Isang Buwan ang Natitira para sa mga taga-Florida para Mag- Apply para sa tulong ng FEMA

Release Date Release Number
043
Release Date:
October 30, 2023

LAKE MARY, Fla. – Ang mga taga-Florida na nagtamo ng pagkawala mula sa Bagyong Idalia ay mayroong isang buwan para mag-apply para sa pederal na tulong. Ang huling araw ay Nobyembre 29, 2023.

Sa ngayon, ang pederal na pagpopondo para sa tulong sa mga sambahayan, mababang-interes na pautang sa sakuna at seguro sa pagbaha ay kinabibilangan ng:

  • $72.7 milyon sa gawad ng FEMA sa 34,690 na sambahayan 
  • $63.9 milyon sa pautang sa sakuna ng Administrasyon ng Maliliit na Negosyo ng U.S.
  • $195 milyon sa bayad ng Pambansang Programa ng Seguro sa Pagbaha; 5,100 na claim ang inihain

Ang mga espesyalista ng FEMA ay pumupunta sa mga bahay-bahay sa mga apektadong komunidad upang tumulong sa mga taong mag-apply para sa tulong. Sa ngayon, binisita na nila ang 140,000 bahay at 9,000 pampublikong espasyo. Ang mga Sentro ng Pagbawi sa Sakuna ay nakatanggap na ng 17,500 bisita.

Kung ikaw ay nagtamo ng pagkawala mula sa Bagyong Idalia at nakatira ka sa county ng Charlotte, Citrus, Columbia, Dixie, Gilchrist, Hamilton, Hernando, Hillsborough, Jefferson, Lafayette, Levy, Madison, Manatee, Pasco, Pinellas, Sarasota, Suwannee o Taylor, maaaring makatulong ang FEMA. Maaari kang maging karapat-dapat para sa pinansyal na tulong ng FEMA para sa pansamantalang pabahay, pangunahing pagpapagawa ng bahay, pagkawala sa personal na pag-aari at iba pang walang-segurong gastos na may kaugnayan sa sakuna. 

Tumawag ng libreng toll sa 800-621-3362, pumunta sa online sa DisasterAssistance.gov, i-download ang App ng FEMA para sa mga aparatong mobile o bumisita sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna. Angl inya ng telepono ay bukas araw-araw mula 7 n.u. hanggang 10 n.g. sa Silangang Pamantayang Oras. Ang tulong ay maaaring makuha sa karamihan ng mga wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng VRS (serbisyo ng relay sa bidyo), serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Upang makakita ng naa-access na bidyo kung paano mag-apply, bisitahin ang Tatlong Paraan para Mag-Apply para sa Tulong sa Sakuna ng FEMA - YouTube

Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bumisita sa  floridadisaster.org/updates/ at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X na dating kilala bilang Twitter, sa twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update noong