FEMA Inaprubahan ang $14 na Milyon para sa mga Paaralan, Sheriff ng Lee County

Release Date Release Number
DR-4673-FL NR-090
Release Date:
Marso 23, 2023

LAKE MARY, Fla. – Inaprubahan ng FEMA Public Assistance ang dalawang gawad upang ibalik sa Lee County School District at Lee County Sheriff ang mga ginastos sa emerhensya sa pagresponde sa Bagyong Ian.

Inaprubahan para sa distrito ng paaralan ang gawad na $10,069,446. Pagkatapos ng bagyo noong Setyembre 28, 2022, nagsagawa ang distrito ng paaralan ng mga pang-emerhensyang pagpapaayos, remedyasyon sa amag, pag-alis ng debris, pag-alis ng tubig, mga inspeksyong pangkaligtasan at paglalagay ng mga pansamantalang generator.

Inaprubahan ang Lee County Sheriff para sa gawad na $4,180.612 upang ibalik ang mga ginastos para sa seguridad ng mga tao, access at pagkontrol sa trapiko, mga barikada, paghahanap at pagligtas, pag-aayos ng bubong, medikal na pangangalaga, pag-alis ng debris, pamamahagi ng mga supply, pag-iilaw, mga sakong naglalaman ng buhangin, mga trapal, mga generator, fuel at iba pang mga pinagkagastusan.

Inutos ng FEMA Public Assistance ang $32.8 na milyon (bahagi ng pederal na pamahalaan) para sa Lee County at ang kabuuang $106 na milyon para sa lahat ng aplikante sa loob ng Lee County.

Nagbibigay ng gawad ang programa ng FEMA Public Assistance sa mga pamahalaan ng estado, tribo at lokal, at ilang pribadong organisasyong nonprofit, kabilang ang mga bahay-sambahan, nang sa gayon ay agad na makakaresponde at makakabangon ang mga komunidad mula sa malalaking sakuna o emerhensya.

Makikipagtulungan ang mga aplikante sa FEMA upang bumuo ng mga proyekto at mga saklaw ng gawain. Inoobliga ng FEMA ang pagpopondo para sa mga proyekto sa Florida Division of Emergency Management (FDEM) pagkatapos ng pinal na pag-apruba. Sa oras na maiutos ang proyekto, malapit na makikipagtulungan ang FDEM sa mga aplikante upang makumpleto ang proseso ng gawad ang masimulan ang mga pagbabayad. May mga itinakdang pamamaraan ang FDEM na idinisenyo upang matiyak na ibinibigay ang pagpopondo para sa gawad sa mga lokal na komunidad nang mabilis hangga't maaari.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbangon ng Florida mula sa Bagyong Ian, bisitahin ang floridadisaster.org/info at fema.gov/disaster/4673. Sundan sa FEMA Rehiyon 4 (@femaregion4) / Twitter at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update