7,644 na Sambahayan ng Florida Inaprubahan para sa mga Flood Insurance Policy (Polisa ng Seguro para sa Baha) Bilang Bahagi ng Tulong sa Sakuna

Release Date Release Number
DR-4673-FL NR-082
Release Date:
February 3, 2023

LAKE MARY, Fla. – Inaprubahan ng FEMA ang 7,644 na sambahayan na may mga group flood insurance policy (panggrupong polisa ng seguro para sa baha) para sa tatlong taon bilang bahagi ng pederal na tulong sa sakuna pagkatapos ng Bagyong Ian at Bagyong Nicole.

Ang mga insurance policy (polisa ng seguro) ay popondohan sa pamamagitan ng Tulong para sa Ibang mga Pangangailangan ng FEMA upang magkaroon ang mga sambahayan ng coverage para sa mga panganib ng baha sa hinaharap. Simula Pebrero 2, inaprubahan ng FEMA ang $18.2 milyon sa mga premium para sa 7,594 na polisa bilang resulta ng Bagyong Ian at $120,000 para sa 50 polisa bilang resulta ng Bagyong Nicole. Sa mga ito, 3006 na aktibong polisa na ang inilalabas para sa Bagyong Ian.

Ang mga karapat-dapat na may-ari ng bahay ay makakatanggap ng isang abiso mula sa FEMA na nagsasaad na sila ay isinama sa isang Group Food Insurance Plan (GFIP, Panggrupong Plano para sa Seguro sa Pagkain) at tatanggap ng isang Sertipiko ng Pagpapaseguro para sa Baha. Ang mga karapat-dapat na nangungupahan ay makakatanggap ng abiso na nagpapaalam sa kanila ng na sila ay karapat-dapat na makatanggap ng sertipiko ng GFIP para sa kanilang mga pag-aari. Kailangan ng mga aplikanteng makipag-ugnayan sa FEMA sa loob ng anim na buwan pagkatapos matanggap ang abiso at kumpirmahin na lumipat na sila pabalik, o nagnanais na bumalik, sa kanilang tirahan bago ang kalamidad.

Ang mga may hawak ng polisa ay nakakatanggap ng ilang paalala na magtatapos na ang kanilang polisa. Bawat taon makakatanggap sila ng liham na may kasamang na paalala. Makakatanggap din sila ng abiso 45 na araw bago magtapos, at isang panghuling pag-abiso ng pagtatapos.

Kapag natapos na ang GFIP, responsibilidad na ng aplikante ang pagbili at pagpapanatili ng pagpapaseguro para sa baha nang mag-isa. Ang pagkabigong mapanatili ang pagpapaseguro para sa baha ay maaaring magresulta sa pagtanggi sa hinaharap na tulong sa sakuna sa baha ng FEMA.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbangon ng Florida mula sa Bagyong Ian, bisitahin ang floridadisaster.org/info at fema.gov/tl/disaster/4673. Sundan sa FEMA Rehiyon 4 (@femaregion4) / Twitter at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update noong