Ang mga may Hawak ng Polisiya ng Insurans para sa Baha ay Binigyan ng mas Mahabang Oras para Mag-fayl ng Katunayan ng Kawalan para sa mga Claim para sa Bagyong Michael

Release Date Release Number
R4-DR-4399-FL NR 077
Release Date:
January 15, 2019

TALLAHASSEE, Fla. –- Ang mga nakaligtas sa Bagyong Michael sa Florida ay may karagdagang oras upang makapag-fayl ng mga claim para sa katunayan-ng-kawalan para sa Nasyonal na Programa para sa Insurans para sa Baha (NFIP) kasunod ng desisyon ng FEMA na dagdagan ang panahon para makapag-fayl.

Kung ikaw ay may hawak ng polisiya ng NFIP sa Florida, mayroon kang 365 na araw simula ng araw ng kawalan upang makapag-fayl ng claim para sa insurans para sa baha. Ang pagpapahabang ito ay magbibigay ng sapat na panahon para ma-evaluate ang mga kawalan at ulat ng adjuster, at para makapag-pasa ng claim para sa katunayan-ng-kawalan na kumpleto ang dokumentasyon, napirmahan, at nasumpaan.

Nadetermina ng FEMA na ang mga taga-Florida na may hawak ng polisiya ay nangangailangan ng karagdagang panahon upang mag-fayl ng claim dahil sa lawak ng pinsala na nagawa ng bagyo.

Ang katunayan-ng-kawalan ay kasali sa pakete ng mga claim na nagdodokumento sa mga kawalan dahil sa bagyo. Kailangan isali sa pakete ng mga claim ang mga:

  • Litrato o bidyo ng napinsala ng baha
  • Isang komprehensibong listahan na may nakalista ang bawat bagay na napinsala
  • Mga resibo, kung maaari, para sa mga napinsalang bagay kasama na ang iba pang dokumenta na sumusuporta sa presyo ng napinsalang pag-aari

Kung hindi mo pa nagagawa, tawagan ang kumpanya ng insurans sa lalong madaling panahon upang masimulan nang maproseso ang iyong claim.

Pinadali na ng FEMA ang kanilang proseso upang masagot ang mga katanungan at mapabilis ang serbisyo para sa mga claim para sa insurans para sa baha. Maaari kang tumawag sa call senter ng NFIP sa 800-427-4661 Lunes hanggang Biyernes simula 8 a.m. hanggang 8 p.m. Kung ikaw ay gumagamit ng 711 o Video Relay Service o Serbisyo para sa Pagpapasa ng Bidyo, tumawag sa 866-337-4262.

Kung nangangailangan ka ng isang-tao-sa-isang-taong tulong, maaaring kang bumisit sa mga rekaberi senter para sa sakuna. Upang mahanap ang pinakamalapit na DRC, bumisita sa fema.gov/drc.

Ang mga empleyado ng NFIP call senter are abeylabol upang tumulong sa mga may hawak ng polisiya sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga polisiya, magbigay ng gabay upang mapadali ang rekaberi, at sumagot sa mga katanungan tungkol sa NFIP. Maaari kang irefer ng FEMA sa tagadala ng iyong insurans para sa karagdagang tulong kung may mga tanong ka na tungkol sa iyong claim sa insurans.

                                                                                    ###

Misyon ng FEMA: Tulungan ang mga mamamayan bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna.

Para sa listahan ng mga mapagkukunan ng suporta at impormasyon para sa mga indibidwal at negosyong apektado ng Bagyong Michael, bumisita sa www.floridadisaster.org/info.

Para sa impormasyon tungkol sa pagbangon mula sa Bagyong Michael, bumisita sa www.fema.gov/tl/disaster/4399.

Sundin ang FEMA at ang Dibisyon ng Florida para sa Pamamahala ng Emerhensya sa Twitter sa @FEMARegion4 and @FLSERT. Maaari rin ninyong bisitahin ang FEMA at ang mga Facebook page ng Dibisyon sa Facebook.com/FEMA and Facebook.com/FloridaSERT.

Tags:
Huling na-update noong