Ang Susunod na Hakbang Matapos Mag-apply Para sa Tulong sa Sakuna

Release Date Release Number
DR-4558-CA NR 002
Release Date:
Agosto 27, 2020

SACRAMENTO, Calif. –  Kung mayroon kang uninsured o underinsured na kalugihan mula sa kamakailang California wildfires at nagrehistro sa Federal Emergency Management Agency (FEMA), ang susunod na hakbang ay ang inspeksiyon sa bahay.

Lahat ng mga inspeksiyon ay isasagawa gamit ang telepono dahil sa COVID-19 at ang pangangailangang protektahan ang kaligtasan at kalusugan ng ating workforce at mga survivor. Ang mga malayuang inspeksiyon ay maihahambing sa tradisyonal, na personal na inspeksiyon at mapapabilis ang tulong na makabawi, batay sa pagiging nararapat.

Para sa mga layunin ng seguridad, patototohanan ng inspektor ang pagkakakilanlan mo sa pagtatanong ng ilang pangkuwalipikang tanong at bibigyan ka ng unang apat na digit ng aplikasyon mo para makumpleto ang pagpapatotoo.

Asahan ang mga tawag mula sa mga pangkat ng inspeksiyon na mula sa iba't ibang area code. Madalas suriin ang mga hindi nasagot na tawag at voicemail para masiguro na ang inspksiyon ay naayos at nakumpleto.

Ang mga survivor na kakaunti ang pinsalang makakatira pa sa mga bahay nila ay hindi awtomatikong ii-schedule para sa inspeksiyon ng bahay kapag nag-a-apply para sa tulong ng FEMA. Sa halip, makakatanggap sila ng liham mula sa FEMA na nagpapaliwanag na maaari silang tumawag sa FEMA Helpline para humiling ng inspeksiyon kung makakita sila ng makabuluhang pinsala sa bahay nilang dulot ng sakuna matapos silang mag-apply.

                                                                        ###

Related Links:
Tags:
Huling na-update