Ang pagbawi pagkatapos ang pangyayaring ng isang pagbaha ay nagtatagal at maaaring nakakapanghihilakbot. Ang National Flood Insurance Program (NFIP) ng FEMA ay nakatuon sa iyong mabilis na muling pagtayo. Gamitin ang sumusunod na impormasyon upang makapaghain ng claim, magdokumento ng pinsala, makipagtulungan sa iyong adjuster, makagawa ng pagkumpuni, at maunawaan ang pagbabayad sa iyong claim.
Simulan ang Pagproseso ng Claims
Kung ligtas na para sa iyo ang bumalik sa iyong tirahan, kailangan mong ipabatid agad ang mga Nawala sa iyo sa iyong ahente o kumpanya ng seguro. Kung hindi mo alam kung paano makikipag-ugnay sa iyong ahente o kumpanya ng seguro, tumawag sa FEMA Mapping and Insurance eXchange (FMIX) sa 877-336-2627.
Kapag nakipag-usap ka sa iyong ahente, ihanda ang iyong policy declarations page. Kailangan kang kontakin ng isang insurance adjuster upang ma-iskedyul ang isang personal o pangmalayuang inspeksyon sa loob ng ilang araw mula ng mai-report ang iyong claim. Kung hindi ka makarinig sa iyong insurance adjuster, maaari mong kontakin ang iyong ahente ng seguro o kumpanya muli.
Maghanda para sa Inspeksyon
I-dodokumento ng iyong insurance adjuster ang pinsala sa personal na ari-arian, pinsala sa istruktura, at mga antas ng tubig-baha upang maihanda ang pag-estima ng iyong claim. Makakatulong kung aayusin ang impormasyong ito sa bawat kuwarto. Kasama na dito ang:
- Pagkuha ng litrato at video ng nasa loob at labas ng iyong ari-arian, na kinunan bago magtapon ng anuman
- Pagbigay ng make, model at serial number ng mga malalaking kasangkapan sa bahay tulad ng washers at dryers, water heaters, kasangkapan sa kusina, telebisyon at computers
- Pagkolekta ng mga sample ng mga building items (tulad ng sahig, carpet, wallpaper, at mga kurtina) at ibigay sa adjuster.
Pagkatapos kumuha ng mga litrato at video ng mga pinsala, itapon agad ang mga binahang laman at mga gamit, tulad ng mga nabubulok na mga pagkain, damit, mga unan, etc., na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan. Ang mga policyholders ng NFIP ay responsable sa pagbawas ng paglaki at paglaganap ng amag pagkatapos ng pagbaha. Ang Standard Flood Insurance Policy (SFIP) ay hindi sasakop sa pinsala ng amag kung hindi makagawa ng resonableng aksyon ang policyholder sa loob ng kanilang kontrol upang masugpo ang paglaki at pagkalat ng amag. Upang makaalam pa tungkol sa ligtas at epektibong paglilinis ng baha, bumisita sa EPA.gov upang mai-download ang Homeowner’s and Renter’s Guide to Mold Cleanup After Disasters.
Makipagtulungan sa Iyong Insurance Adjuster
Kung dumating ang iyong insurance adjuster, kailangang magpakita sila sa iyo ng kanilang opisyal na identipikasyon (driver’s license at ID ng kumpanya o Flood Control Number [FCN card]). Kailangan din nilang magbigay ng contact information, tulad ng email address, numero ng telepono, at pangalan ng adjusting firm.
Ang iyong insurance adjuster ay kailangang:
- Sumagot sa mga katanungan tungkol sa iyong claim
- Pag-usapan ang proseso ng NFIP flood claims (suriin ang NFIP Claims Handbook para sa karagdagang impormasyon)
- Inspeksyunin ang iyong ari-arian upang malaman ang sakop ng pinsala sa pamamagitan ng pagkuha ng mga sukat at mga litrato
- Ipaliwanag kung ano ang paunang bayad at kung paano ka makakatanggap nito
- Pag-usapan ang sakop at mga limitasyon ng iyong polisa—sa termino ng iyong istruktura at personal na pag-aari, o pareho
- Ibigay ang kinakailangang mga dokumento upang mapatunayan ang iyong kawalan sa iyong seguro
- Ikumpirma ang pangalan ng iyong kasalukuyang mortgagee holder. Itanong ang kasalukuyang mailing address at numero ng telepono kung ikaw ay nawalan ng lugar
- Talakayin ang pagkakaroon ng Increased Cost of Compliance Coverage kung nararapat sa iyo
Mahalagang Paalala
Ang flood insurance adjuster na pinadala ng iyong insurer ay hindi magtatanong sa iyo ng pera, kolektahin ang iyong deductible amount, o hingan ka ng bayad para sa kanilang serbisyo.
Bibigyan ka ng iyong adjuster ng isang estima ng pagkumpuni na kasama ang nakitang pinsala sa oras ng unang inspeksyon base sa mga gastos ng pagkumpuni sa iyong lugar. Maingat na suriin ang estimang ito kung tama at kumpleto. Karagdagan pa, ang iyong pirma ay maaaring kailanganin sa Proof of Loss. Ang paglagda sa isang Proof of Loss, kahit may mga katanungan ka pa tungkol sa halaga, ay hindi makakasagabal sa paghingi mo ng karagdagang bayad kung kinakailangan. Kung hindi ka sang-ayon sa estima o nakakita ka ng karagdagang pinsala pagkatapos, makipag-ugnay ka sa iyong kumpanya ng seguro o adjuster.
Ang iyong flood insurance company ay nakatuon na magbayad ng buong halaga na nararapat sa iyo sa ilalim ng iyong flood insurance policy. Siguruhing magtanong sa iyong insurer o adjuster ng tungkol sa iyong polisa, kung ano ang sakop nito, at anumang mahalagang deadline na kailangan mong masunod. Magtago ng mga kopya ng lahat ng mga dokumento na kaugnay ng iyong flood claim, kasama na ang lahat ng mga materyales na ibinigay sa iyo ng kumpanya ng seguro at adjuster. Ang pagtatago ng mga resibo, mga bank statements, at mga resibo ng contractor ay maseseguro na makatanggap ka ng nasa oras na claim payment para sa mga darating na kaganapan ng pagbaha dahil kakailanganin mong idokumento na ang nakaraang pinsala ng pagbaha ay naisaayos.
Habang ikaw ay nakakabawi, maraming magkakaibang organisasyon at mga ahensiya ang maaaring magpadala ng kanilang mga representante sa iyong bahay upang tumulong sa iyong pagbabalik-ayos. Kahit na sino ang kumatok sa iyong pinto, palaging magtanong ng identipikasyon at ang dahilan ng kanilang pagbisita. Kung hindi ka sigurado o hindi komportable sa kahit sino na makatagpo mo na nagsasabing sila ay opisyal ng emergency management o kung nakatanggap ka ng kahinahinalang tawag, mangyaring makipag-ugnay sa lokal na law enforcement at sa Disaster Fraud Hotline sa 866-720-5721. Huwag magbigay ng personal na impormasyon. Umalam pa ng tungkol sa mga kinatawan na maaring bumisita sa pagsuri ng Who’s Knocking at Your Door.
Gumawa ng mga Pagkukumpuni
Tingnan ang mga sira sa elektrikal, tubig, HVAC systems,at istruktura ng gusali. Kung kailangan, kontakin ang mga nagbibigay ng serbisyo. Siguruhin na kumunsulta sa iyong insurance adjuster o kumpanya ng seguro bago pumirma sa alinmang kasunduan o kontrata sa isang naglilinis, nag-aayos o nagpapanatili na contractor. Upang mapangalagaan ang iyong kayamanan, siguruhing may lisensiya, bond,o seguro kung pipili ng contractor, at humingi ng prueba. Humingi ng mga estima na nakasulat at pati ang mga project descriptions at mga timelines.
Tingnan ang mga lokal na building rules and regulations upang makapaghanda sa mga pag-uusap sa mga contractor. Kung gumagamit ng isang kontratista na hindi mula sa iyong lugar, ito ay kritikal dahil maaaring hindi nila alam ang lahat ng mga pinahihintulutang mga reglamento at mga regulasyon sa gusali para sa iyong komunidad.
Ang iyong opisyal ng komunidad ay maaring magbigay ng magagamit na impormasyon tungkol sa kung ano ang kahulugan kung ang iyong gusali ay itinuturing na may malaking pinsala, magbigay ng mga tip kung paano higit na maprotektahan o makumpuni ang iyong bahay kung nagpapatayo, at ipaliwanag kung paano makakakuha ng mga building permits.
Unawain ang mga Bayad sa Claims
Binibigyang proteksyon ng flood insurance ang buhay na naitaguyod mo kung ikukumpara sa karaniwang halaga ng isa pagbaha. Maaaring abutin ng apat-hanggang-walong linggo bago matapos at mabayaran ang isang standard claim. Ang claim payment check ay ilalagay para sa iyo at/o sa iyong mortgage company/lender, na nangangailangan ng karagdagang mga pirmahan.
Kung makatanggap ka ng isang sulat mula sa iyong flood insurance company na tinatanggihan ang kabuuan o parte ng iyong claim, at hindi ka sumasang-ayon sa pagtanggi, mayroon kang ilang pagpipilian. Ang alinmang policyholder na nakaseguro sa pamamagitan ng NFIP ng FEMA ay may karapatang umapela sa pagtanggi sa ahensiya. Kailangan mong magbigay ng apela sa loob ng 60 araw pagkatapos ng petsa ng nakasulat na pagtanggi ng kompanya ng seguro. Maaari ka lang umapela sa mga tinanggihan ng kompanya ng seguro sa denial letter. Para sa karagdagang impormasyon bumisita sa FloodSmart.gov/flood/appeal-your-claim-payment.
Mga Mahalagang Contacts
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa claims process, bumisita sa FloodSmart.gov/start o tumawag sa FEMA Mapping and Insurance eXchange (FMIX) sa 877-336-2627. Maaaring dapat mong i-rekord ang key contact information para sa iyong adjuster at kompanya ng seguro sa ilalim.
Pangalan ng Adjuster: __________________________________________________________
- Telepono ng Adjuster: __________________________________________________________
- Email ng Adjuster: __________________________________________________________
- Kumpanya ng Seguro: __________________________________________________________
- Telepono ng Kumpanya ng Seguro: __________________________________________________________
- Email ng Kumpanya ng Seguro: __________________________________________________________
Palaging isipin, maaaring magtagal ang iyong adjuster at insurer upang sumagot sa mga katanungan at i-proseso ang iyong claim. Depende sa kalubhaan ng sakuna, maaaring maraming mga claims sa iyong lugar ang kanilang inaasikaso. Dapat malaman na ginagawa nila ang lahat na makakaya upang maseguro na makakatanggap ka ng lahat ng nararapat sa iyo sa ilalim ng iyong flood insurance policy.
Para sa karagagang impormasyon tungkol sa NFIP flood insurance, makipag-ugnay sa iyong insurer o ahente, o tumawag sa 800-621-3362.