Dapat ba na ako ay isang mamamayan ng US para makakuha ng tulong sa FEMA?

Release Date:
March 22, 2021

Habang ang mga tao sa Texas ay umaahon sa matinding dulot ng bagyo noong Pebrero, marami ang nagtataka kung sila ay kwalipikado sa tulong ng FEMA kung sila ay hindi mamamayan ng US. Sa palagay ng iba, iiwasan nila ang tulong ng gubyerno kahit na ito ay magagamit nila.

Ang mga hindi mamamayan ng US ay maaaring matulungan

Ang FEMA ay nakatuon na tulungan ang lahat ng mga nakaligtas sa matinding bagyong taglamig. Ito ay kasama ang mga sumusunod:

  • Mamamayan ng US
  • Hindi mamamayan na nasyonal, at
  • Mga kwalipikadong dayuhan

Ang isang kwalipikadong dayuhan ay isang permanenteng residente ayon sa batas. Siya rin ay isang dayuhan na may legal na katayuan na may dahilan tulad ng isang taong asaylum o tumakas sa kanilang bansa, isang tao na nasa parol, naghihintay ng deportasyon at taong pumasok galing sa Cuba at Haiti.

Ang mga matatanda na hindi nakamit ang mga kinakailangang dokumento na maging mamamayan ng US o ang kanilang katayuan sa imigrasyon, ay maaari pa ring mag-apply ng tulong, kung ang isang matandang miyembro ng sambahayan ay isang mamamayan ng US o may isang anak na ipinanganak sa US at may numero ng Social Security.

  • FEMA o ang Social Security Administration ay makakatulong sa pagkuha ng numero para sa mga bata Social Security Numbers for Children.
  • Ang isang menor de edad na nakatira sa kanyang magulang o tagapag-alaga na nag-a-apply sa ngalan nila magmula noong Pebrero 11, 2021, ang petsa ng simula ng matinding bagyo. Ang magulang o ang tagapag-alaga ay dapat na magrehistro bilang kapwa aplikante.
  • Ang mga indibidwal ay maaaring kumunsulta sa isang tao na dalubhasa sa imigrasyon kung sila ay kwalipikado sa mga kinakailangan ng pagtulong sa mga sakuna ng FEMA.

Paano magparehistro sa FEMA

Kapag nakumpleto ninyo ang mga karapat-dapat na pamantayan at kayo ay tumira sa isa sa mga 126 na bansa na karapat-dapat sa tulong ng gubyerno, maaari ninyo ng kumpletuhin ang aplikasyon para sa pagtulong ng FEMA Individuals and Households Program. Para sa mga itinalagang mga bansa, bisitahin ang https://www.fema.gov/disaster/4586 .


  • Ang mga mayroong cell phones o internet access ay maaaring magparehistro sa FEMA. Bisitahin lamang ang  DisasterAssistance.gov, o i-download ang FEMA app.
  • Maaari rin kayong magparehistro sa pagtawag sa 800-621-3362 (TTY para sa mga hindi makadinig, tawagan ang 800-462-7585).

Ang mga gumagamit ng serbisyo tulad ng videophone, InnoCaption o CapTel, ipagpaalam lamang sa FEMA ang inyong numero. May mga operator na nakapagsasalita ng iba’t ibang wika. Ang mga linya na toll-free ay bukas ng 6 a.m. hanggang 10 p.m. araw-araw.

Mga iba pang programa at mga boluntaryong ahensya

May mga boluntaryong samahan na maaaring tumulong kahit ano man ang inyong pagkamamamayan. Para mahanap ang mga ito sa inyong lalawigan:

  • Tumawag sa American Red Cross at 800-733-2767 o bisitahin ang local American Red Cross chapter para sa  kaalaman ng inyong pampook lokal ng  Red Cross.
  • Tumawag sa 2-1-1 sa kahit anong telepono para mahanap ang inyong pampook local ng United Way o bisitahin ang 211.org upang mahanap ang numero ng telepono ng kanilang serbisyo sa inyong purok.
  • Upang malaman ang iba pang tulong na magagamit sa iba pang estado at mga boluntaryong ahensya sa inyong lugar, bisitahin ang https://www.txvoad.org/ or FEMA- Texas Referrals .

Para sa mga pinakabagong impormasyon sa mga matitinding bagyong taglamig, bisitahin ang https://www.fema.gov/disaster/4586 o sundan ang  FEMA Region 6 Twitter sa twitter.com/FEMARegion6 .

Tags:
Huling na-update noong