Malaking Sunog (Wildfires) sa Hawaiʻi: Pag-alis ng mga Debris sa Pribadong Property

Release Date:
Setyembre 8, 2023

Ang paglilinis ng mga debris ng sunog ay isa sa mga pangunahing hamon na kinakaharap ng mga residente, may-ari ng negosyo at mga ahensya ng gobyerno sa panahon ng pagbangon mula sa makasaysayang sunog (wildfires) na tumama sa buong Maui County noong Agosto 8. Ang pag-alis ng mga debris ay nangyayari sa mga yugto upang matiyak ang kaligtasan at pagigign sensitibo ng kultura sa mga apektadong komunidad. Para sa karagdagang impormasyon sa proseso, bisitahin ang mauirecovers.org/recovery/debrisremoval, Ang komprehensibong mapagkukunan ng impormasyon at mapagkukunan ng Maui County para sa mga nakaligtas sa malaking sunog (wildfires) sa Hawaiʻi.

  1. Mapanganib (Hazardous) na mga Materyales
  • Sa unang yugto, ang U.S. Environmental Protection Agency ay nag-aalis ng mga mapanganib na materyales tulad ng mga pintura, solvent, langis, baterya at pestisidyo mula sa lahat ng mga properties na naapektuhan ng sunog.
  • Kapag naabisuhan na ang mga lokal na opisyal na ligtas ang site, aabisuhan nila ang mga residente kung kailan sila maaaring bumalik sa kanilang property upang kunin ang anumang mga property na maaaring mailigtas. 
  1. Tungkulin ng U.S. Army Corps of Engineers 
  • Para sa ikalawang yugto, inanunsyo ng Estado ng Hawaiʻi na ang FEMA at ang U.S. Army Corps of Engineers ay mangunguna sa pag-alis ng mga nasira ng sunog sa mga pribadong property.
  • Hindi kinakailangang gamitin ng mga may-ari ng properry ang serbisyong ito. Gayunpaman, para sa kaligtasan ng komunidad, ang mga may-ari ng property na pipili na gawin ang kanilang sariling paglilinis ay dapat pa ring sumunod sa mga lokal, estado at pederal na kinakailangan.
  • Ang Corps of Engineers ay nakatuon sa pagprotekta hindi lamang sa kalusugan at kaligtasan ng mga naapektuhan ng sunog kundi pati na rin igalang ang kultura ng komunidad.
  1. Mga Pananggalang sa Kultura
  • Ang Estado ng Hawaiʻi at ang Corps of Engineers ay nagpatupad ng mga pananggalang upang protektahan ang mga site at tratuhin ang mga ito nang naaangkop at magalang.

 

  • Ang mga tagapangasiwa sa kultura (arkeolohiya) na may kadalubhasaan at kaalaman ay nagtatrabaho sa mga apektadong pamayanan at sinasanay upang maging sensitibo sa kultural na kahalagahan ng kanilang trabaho.
  • Ang mga tagapangasiwa sa kultura ay dadalo sa panahon ng proseso ng pag-alis. Ang mga monitors na ito ay mga lokal na eksperto na nakabase sa Maui at may malawak na karanasan sa kanilang kultura ng pamayanan
  • Kahit na sa masusing pagsisikap na makuha ang lahat ng namatay sa fire zone, ang lawak at init ng apoy ay maaaring nag-iwan ng mga labi ng tao na hindi maaaring makilala sa mga natira (debris) ng apoy para sa magalang na pag-alis, pagkilala at pagbabalik sa mga miyembro ng pamilya. Ang mga pagsusumikap sa pag-alis ng mga natira (debris) ng apoy ay magsasama ng mga karagdagang mapagkukunan upang matugunan ang mga sitwasyong ito,
  1. Mga Pagsisikap sa Pag-alis ng mga Debris
  • Ang mga may-ari ng property na nagpasyang sumali sa programa sa pag-alis ng mga debris ay kinakailangang pumirma ng form ng karapatan sa pagpasok (right-of-entry) at isumite ito sa mga opisyal ng Maui County bago magsimula ang pag-alis.
  • Ibibigay ng mga opisyal ng Maui ang mga kumpletong form na ito sa Corps of Engineers upang ma-access nila ang pribadong property na napinsala ng sunog.
  • Ang Maui County ay kinakailangang mangolekta ng mga form ng karapatan sa pagpasok (right-of-entry) mula sa mga may-ari ng property na nakikilahok sa programa sa pag-alis ng mga debris.
  • Kailangan ang iyong pahintulot para ang mga kontraktor na awtorisado ng gobyerno ay makapunta sa iyong property at maalis ang mga napinsalang debris ng apoy.
  • Ang pagpirma sa form ng karapatan sa pagpasok (right-of-entry) ay hindi naglilipat ng pagmamay-ari ng property. Pinapayagan lamang nito ang gobyerno at/o ang mga awtorisadong kontraktor na pumunta sa pribadong property upang alisin ang mga debris.
  • Pagkatapos alisin ng Environmental Protection Agency ang mga mapanganib na materyales, karapatan mo bilang may-ari ng property na huwag lumahok sa pribadong programa sa pag-alis ng mga debris. Kung pipiliin mong alisin ang lahat o ilan sa mga debris sa pamamagitan ng pribadong kontraktor, (tingnan ang opsyon sa pag-opt out sa Private Fire Debris Removal sa MauiRecovers.org), kailangan mong matugunan o lumampas sa mga pamantayang itinakda ng mga lokal, estado at pederal na ahensya. Higit pang impormasyon ang ibibigay ng Maui County.
  • Ang MauiRecovers.org ay ang komprehensibong mapagkukunan ng impormasyon at mapagkukunan ng Maui County para sa mga nakaligtas sa mga malaking sunog (wildfires) sa Hawai'i.
Tags:
Huling na-update