Pang-grupong Polisiya sa Pagpapaseguro para sa Pagbaha

Release Date:
Nobyembre 2, 2022

Ang mga aplikante ng FEMA sa Mga Espesyal na Lugar na Nanganganib sa Baha, na nakakatanggap ng tulong sa sakuna pagkatapos ng isang kaganapan sa pagbaha, ay kinakailangang bumili at magtago ng pagpapaseguro para sa baha sa kanilang tahanan. Bilang bahagi ng Other Needs Assistance (ONA), magbibigay ang FEMA ng Pang-grupong Polisiya sa Pagpapaseguro para sa Pagbaha [Group Flood Insurance Policy (GFIP)] sa loob ng tatlong taon. Pagkatapos nito, ang mga may-ari ng bahay at nangungupahan ng adres ay kinakailangang kumuha ng polisa sa pagpapaseguro para sa baha. Ang mga nangungupahan ay dapat kumuha ng pagpapaseguro upang masakop ang kanilang mga pag-aari.

Kung ang halaga ng isang polisiya sa GFIP ay lumampas sa natitirang halaga ng ONA na magagamit ng isang aplikante, ang aplikante ay mananagot sa pagbili ng indibidwal na pagpapaseguro sa baha.

Ang mga aplikanteng tumatanggap ng utang para sa kalamidad ng U.S. Small Business Administration sa panahon ng kalamidad kung saan itinatag ang isang kinakailangan sa pagpapaseguro para sa baha, ay hindi isasaalang-alang para sa isang sertipiko ng GFIP na binili ng FEMA, at dapat bumili ng indibidwal na pagpapaseguro para sa baha.

Ang mga apektadong may-ari ng bahay ay makakatanggap ng isang abiso mula sa FEMA na nagsasaad na sila ay kasama sa isang plano ng GFIP at makakatanggap ng isang "Sertipiko ng Pagpapaseguro para sa Baha;"

Ang mga apektadong nangungupahan ay makakatanggap ng abiso mula sa FEMA na nagpapaalam sa kanila ng kanilang pagiging karapat-dapat na makatanggap ng sertipiko ng GFIP para sa kanilang mga pag-aari. Kailangan nilang makipag-ugnayan sa FEMA sa loob ng anim na buwan pagkatapos matanggap ang abiso at kumpirmahin na lumipat na sila pabalik, o nagnanais na bumalik, sa kanilang tirahan bago ang kalamidad.

Ang mga may hawak ng polisiya ay nakakatanggap ng ilang paalala na magtatapos na ang kanilang polisiya. Bawat taon makakatanggap sila ng liham ng anibersaryo na may kasamang nakasingit na paalala. Makakatanggap din sila ng abiso 45 na araw bago magtapos, at isang panghuling pag-abiso ng pagtatapos.

Kapag natapos na ang GFIP, responsibilidad na ng aplikante ang pagbili at pagpapanatili ng pagpapaseguro para sa baha nang mag-isa. Ang pagkabigong mapanatili ang pagpapaseguro para sa baha ay maaaring magresulta sa pagtanggi sa hinaharap na tulong sa sakuna sa baha ng FEMA.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagbawi mula sa Bagyong Ian sa Florida, bisitahin ang fema.gov/disaster/4673 at https://www.floridadisaster.org/. Sundan kami sa Twitter: @FLSERT at @FEMARegion4.

 

Tags:
Huling na-update