Tulong sa Libing

Release Date:
Setyembre 15, 2023

Kung nagkaroon ka ng gastos sa libing o reburial (paglibing muli) bilang resulta ng Bagyong Idalia sa county ng Citrus, Columbia, Dixie, Gilchrist, Hamilton, Hernando, Jefferson, Lafayette, Levy, Madison, Manatee, Pasco, Pinellas, Sarasota, Suwannee o Taylor, maaaring makakuha ng tulong sa libing mula sa FEMA.

Tulong ng FEMA sa Ibang Pangangailangan

Ang programa ng Other Needs Assistance (ONA o Tulong sa Ibang Pangangailangan) FEMA ay nagbibigay ng tulong para sa tiyak na kwalipikadong gastos sa libing na idinulot ng sakuna. Maaaring kabilang dito ang halaga ng hindi inaasahan at walang segurong gastos. 

Para makahiling ng tulong sa libing, kakailananin mo munang mag-apply sa FEMA sa 800-621-3362, DisasterAssistance.gov, bumisita sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna o sa FEMA mobile app.

Maaaring kabilang sa mga kwalipikadong gastos ang paglipat ng labi, kabaong o urn, serbisyo sa libing, sertipiko ng kamatayan, libingan, pagsusunog ng bangkay, paglilibing, gastos ng muling paglilibing kung ang paglilibing ay idinulot ng sakuna at/o nangyari ito sa sementeryo ng pamilya sa pribadong lupain. 

Pamantayan sa Pagiging Karapat-Dapat

Dapat tiyakin ng FEMA ang:

  • Isang opisyal na inisyu ng estadong sertipiko ng kamatayan o pirmadong pahayag mula sa isang medikal na tagasuri, koroner o iba pang taong nagpapatunay na ang pagkamatay ay direkta o hindi direktang nauugnay sa sakuna.
  • Edibensya ng hindi natupad na libing – resibo o mapapatunayang pagtatantya para sa gastos sa libing na nagpapahiwatig na ang aplikante ay nagtamo, o magtatamo ng gastos sa, kwalipikadong palilibing, muling paglilibing, o libing.
  • Kumpirmasyon na ang gastos sa libing ay hindi pa nababayaran ng ibang mapagkukunan. Sa ilalim ng batas, ang FEMA ay hindi maaaring magbigay sa iyo ng gawad kapag may ibang mapagkukunan – benepisyo ng Seguridad Panlipunan at Gawain ng Beterano – ay sumaklaw sa gastos para sa parehong pangangailangan na nauugnay sa sakuna.
Tags:
Huling na-update