Ang estado ng California at FEMA ay nakatuon sa pagbibigay ng pantay na access sa lahat ng estado at pederal na programa ng tulong sa kalamidad habang tinutulungan ang mga residente na makabangon mula sa matinding bagyo at pagbaha na nagsimula noong Disyembre 27, 2022.
Lahat ng residente ng Calaveras, Merced, Monterey, Sacramento, San Joaquin, San Luis Obispo, Santa Barbara at Santa Cruz county na nagkaroon ng pinsala sa ari-arian o iba pang pagkalugi na dulot ng mga bagyo ay hinihikayat na mag-aplay para sa tulong mula sa FEMA. Maaaring tumulong ang FEMA na magbayad para sa mahahalagang pagkukumpuni sa bahay o iba pang malubhang pangangailangang nauugnay sa sakuna na hindi sakop ng iyong insurance o iba pang mga mapagkukunan.
Ang FEMA ay nagbibigay ng mga referral sa pederal, estado at lokal na mga kasosyo nito pati na rin sa komunidad at mga boluntaryong ahensya na lumalahok sa proseso ng pagbawi.
Para sa mga taong may mga kapansanan at iba pang may access at functional na mga pangangailangan, o sa mga nakikipag-usap sa mga wika maliban sa Ingles, ang FEMA ay maaaring magbigay ng impormasyon sa naa-access na mga elektronikong format sa website ng FEMA at sa social media.
Nag-aalok ang FEMA ng mga libreng serbisyo upang matulungan ang mga nakaligtas na makipag-ugnayan sa mga espesyalista sa FEMA sa telepono o sa Mga Sentro sa Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center) na bukas na ngayon sa mga county ng Merced, Sacramento at Santa Cruz. Walang appointment na kailangan upang bisitahin ang alinman sa mga sentro sa pagbangon (recovery center), na mayroon ding accessible na paradahan, mga rampa at banyo. Upang makahanap ng sentro sa pagbangon (recovery center) na malapit sa iyo, bisitahin ang DRC Locator (fema.gov).
Ipaalam sa mga kawani ng FEMA sa mga sentro kung kailangan mo ng akomodasyon sa anumang bahagi ng proseso ng tulong sa sakuna; kung mayroon kang mga tanong tungkol sa accessibility equipment na maaring gamitin sa mga sentro sa pagbanogn (recovery center); o kung kailangan mo ng tulong sa paggamit ng kagamitan.
Nagbibigay ang FEMA ng:
- Mga kwalipikadong multilingguwal na tagapagsalin at naka-print na materyal sa maraming wika
- Mga Kwalipikadong American Sign Language na tagapagsalin
- Video Remote Interpreting, totoong oras na captioning pati na rin ang impormasyon sa Braille, malaking print, audio at electronik na mga pormat
Ang mga taong may kapansanan ay maaaring maging karapat-dapat para sa pinansiyal na tulong upang palitan ang kanilang mga kagamitan sa pag-access (ibig sabihin, mga wheelchair, hearing aid) kung ang mga bagay na iyon ay nasira o nawala bilang resulta ng kamakailang matinding bagyo at pagbaha.
Narito ang mga paraan para mag-aplay para sa tulong sa kalamidad ng FEMA:
- Bisitahin ang DisasterAssistance.gov
- Gamitin ang FEMA mobile app; o
- Tawagan ang Helpline ng FEMA sa 800-621-3362. Ang tulong ay makukuha sa maraming wika. Kung gumagamit ka ng video relay service (VRS), may paliwanag na serbisyo sa telepono o iba pa, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon. Ang mga nangangasiwa ng helpline ay nagsasalita ng maraming wika at ang mga linya ay bukas mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. araw-araw. Pindutin ang 2 para sa Espanyol. Pindutin ang 3 para sa isang tagapagsalin na nagsasalita ng iyong wika.
- Para sa isang naa-access na video kung paano mag-aplay, pumunta sa https://www.youtube.com/watch?v=LU7wzRjByhI.