Ang mga residente na may sira sa bahay pagkatapos ng Bagyong Idalia ay hindi kinakailangang maghintay para sa inspeksyon sa bahay o inspeksyon sa claim sa seguro sa pagbaha ng FEMA para simulan ang paglilinis. Kadalasan, pagkatapos mag-apply ang nakaligtas para sa tulong sa sakuna, sila ay kokontakin ng isang tagasiyasat ng FEMA sa loob ng ilang araw para mag-iskedyul ng appointment. Bago magsimula ng kahit anong trabaho sa istruktura, siguraduhin mong makakuha muna ng permiso sa pagtatayo ng gusali mula sa iyong lokal na awtoridad sa pagtatayo.
- Kumuha ng mga litrato ng pagkasira bago mo simulan ang proseso ng paglilinis. Siguraduhin mong isama ang mga litrato o bidyo ng labas at loob ng gusali, kabilang ang mga nasirang personal na ari-arian, at lagyan mo sila ng label sa bawat kuwarto bago ka magtanggal ng kahit ano.
- Kunan ng litrato ang pangalan, modelo, at nakaseryong numero ng mga kasangkapan tulad ng pampahugas, pampatuyo, pampainit ng tubig, kasangkapan sa kusina, mga TV at kompyuter.
- Itago ang lahat ng resibo sa pagpapagawa.
- Kung ikaw ay may seguro, ihiwalay ang mga nasirang bagay mula sa mga bagay na hindi nasira. Ang tagapag-ayos ng seguro ay maaaring kailanganing itala ang mga nasirang bagay habang siya ay nagsasagawa ng inspeksyon.
- Kung maaari, magtago ng mga sample ng karpet, sahig, wallpaper, at kurtina.
- Pagkatapos kumuha ng mga litrato, agad na itapon ang mga bagay na nasira ng baha na maaaring magdulot ng malubhang panganib sa kalusugan pagkatapos nitong malagay sa baha, tulad ng nabubulok na pagkain, damit, at unan.
KAPAG NAGSASALBA AT NAGLILINIS NG PAG-AARI NA NASIRA NG BAHA
- Palaging magsuot ng damit na pamproteksyon. Kabilang dito ang mga pang-itaas na may mahabang manggas, mahabang pantalon, de-goma o plastic na guwantes at hindi nababasang botas o sapatos.
- Kung ang bahay ay nangangailangan ng asul na trapal para mapigilan ang karagdagang sira, ilagay ang trapal sa lalong madaling panahon.
- Ilabas ang mga basang bagay. Ang iyong bahay ay maaaring magkontaminado ng amag, na maaaring mag-angat ng panganib sa kalusugan sa mga taong may hika, allergy, at kundisyon sa paghinga. Para sa detalyadong payo sa ligtas na paglilinis ng amag, bumisita sa site ng Sentro ng Pagkontrol sa Sakit sa Patnubay para sa May-ari ng Bahay at Umuupa para linisin ang amag pagkatapos ng sakuna | Mold | CDC
- Linisin ang lahat ng matitigas na ibabaw all hard surfaces and items with bleach. Kung maaari, hugasan ang mga basang tela gamit ang mainit na tubig.
- Mag-ingat ka kapag papasok ka sa loob ng iyong bahay. Bago pumasok ng iyong tirahan, tumingin ka sa paligid sa labas para sa mga nasirang linya ng kuryente, linya ng gas at iba pang sira sa istruktura. Kung maaari, buksan ang mga pinto at bintana para pwedeng sumingaw ang iyong bahay bago ka maggugol ng panahon sa labas.
- Mag-ingat sa mga matatalas na gamit, aluminum, at bubog.
- Patayin ang pangunahing sistema ng kuryente at tubig. Huwag gumamit ng de-gas na kasangkapan hanggang kaya na ng propesyonal na siyastin sila.
- Suriin ang lahat ng kisame at sahig para sa mga senyales ng paglubog o iba pang potensyal na mapanganib na sira sa istruktura. Tanggalin ang lahat ng drywall at insulation na nabasa ng tubig baha.
- Itapon ang mga bagay na hindi na kayang malinis. Kabilang dito ang mga gamit tulad ng kutson, carpet, at pinalamanan na hayop na sumisipsip ng tubig at hindi kayang malinis o madisimpekta.
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bumisita sa floridadisaster.org/updates/ at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X, dating kilala bilang Twitter, at twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.