Pagkamamamayan at Pagiging Karapat-dapat/ Kwalipikado sa FEMA

Release Date:
Oktubre 4, 2022

Ang FEMA ay nakalaang tumulong para makabangon mula sa pinsalang idinulot ng Hurricane Ian ang lahat ng taong karapat-dapat o kwalipikado na nakaligtas, kabilang ang mga mamamayan ng U.S., mga non-citizen na nasyonal, at mga kwalipikadong dayuhan.

Ang mga nakaligtas sa Kalamidad sa  mga county ng Charlotte, Collier, DeSoto, Flagler, Hardee, Highlands, Hillsborough, Lake, Lee, Manatee, Orange, Osceola, Pinellas, Polk, Putnam, St. Johns, Sarasota, Seminole at Volusia ay maaaring mag-apply para sa tulong mula sa Individuals and Households Program (IHP) ng FEMA. Ikaw o isang miyembro ng iyong sambahayan ay dapat na isang mamamayan ng U.S., non-citizen na nasyonal o kwalipikadong dayuhan.

Kung hindi mo natutugunan ang katayuan ng alinman sa pagiging mamamayan ng U.S., non-citizen na nasyonal, o kwalipikadong dayuhan, ang iyong sambahayan ay maaari pa ring mag-apply at maisaalang-alang para sa tulong sa ilalim ng IHP kung:

  • Ang isa pang miyembrong nasa hustong gulang ng iyong sambahayan ay nakatutugon sa mga pamantayan sa pagiging karapat-dapat at nagpapatunay ng kanilang katayuan sa pagkamamamayan sa panahon ng proseso ng pagpaparehistro o pumipirma sa form ng Declaration and Release, o
  • Ang magulang o tagapag-alaga ng isang menor de edad na bata na isang mamamayan ng U.S., non-citizen na nasyonal o isang kwalipikadong dayuhan ay nag-a-apply para sa tulong sa ngalan ng bata, kung sila ay nakatira sa parehong sambahayan. Ang magulang o legal na tagapag-alaga ay dapat magparehistro bilang co-applicant, at ang menor de edad na bata ay dapat wala pang 18 taong gulang nang nangyari ang sakuna.

Mga kwalipikadong dayuhan

“Ang kwalipikadong dayuhan” ay kinabibilangan ng:

  • Isang legal na permanenteng residente (“may-hawak ng green card”).
  • Isang asylee, refugee o isang dayuhan na pinipigilan ang deportasyon.
  • Isang dayuhan na parolado sa U.S. nang hindi bababa sa isang taon.
  • Isang dayuhan na nabigyan ng kondisyonal na pagpasok sa bansa (ayon sa batas na nagkabisa bago ang petsang Abril 1, 1980).
  • Isang Cuban o Haitian na kalahok/ pumasok sa bansa.
  • Ilang dayuhan na sumailalim sa matinding kalupitan o naging biktima ng matinding anyo ng human trafficking, kabilang ang mga taong may “T” o “U” na visa.
  • Mga dayuhan na ang mga anak ay inabuso at mga dayuhang bata na ang magulang ay inabuso na naaangkop o nakatutugon sa mga partikular na pamantayan.

Non-Citizen na mga Nasyonal

Ang isang non-citizen na nasyonal ay tumutukoy sa tao na ang mga magulang ay non-citizen na nasyonal ng U.S., o sa isang taong ipinanganak bago o matapos ang petsa ng pagsakop o pagiging posesyon ng U.S. sa isang malayong lugar (hal. American Samoa). Lahat ng mamamayan ng U.S. ay mga nasyonal ng U.S.; gayunpaman, hindi lahat ng nasyonal ng U.S. ay mamamayan ng U.S.

Mga Kwalipikadong Menor de edad na Bata

Ang magulang o tagapag-alaga ng isang menor de edad na bata na nakatira sa parehong sambahayan ay maaaring mag-apply para sa tulong sa ngalan ng menor de edad na bata na isang mamamayan ng U.S., non-citizen na nasyonal, o kwalipikadong dayuhan. Ang menor de edad na bata ay dapat wala pang 18 taong gulang simula sa unang araw ng panahon ng insidente, Set. 23, 2022.

 Mga Mapagkukunan/ Resources

Tingnan ang Citizenship and Immigration Status Requirements para sa Federal Public Benefits para sa higit pang impormasyon sa maraming wika sa fema.gov/assistance/individual/program/citizenship-immigration-status.

Kung hindi ka sigurado sa iyong katayuan sa imigrasyon, makipag-usap sa isang dalubhasa sa imigrasyon upang malaman kung ang iyong katayuan ay nasasakop o angkop sa mga kinakailangan ng imigrasyon para sa tulong sa kalamidad ng FEMA. Bisitahin ang nvoad.org/ para malaman ang higit pa tungkol sa iba pang boluntaryong organisasyon

Mag-apply para sa Tulong sa Kalamidad (Disaster Assistance) ng FEMA

Upang maging karapat-dapat para sa anumang programa sa Indibidwal na Tulong (Individual Assistance) ng FEMA, dapat kang mag-apply sa FEMA. May tatlong paraan para mag-apply: 1) DisasterAssistance.gov, 2) I-download ang FEMA App para sa mga mobile device, 3) Tumawag nang walang bayad sa 800-621-3362 (FEMA).

Para sa maa-access na video kung paano mag-apply sa tulong, pumunta sa, youtube.com/watch?v= WZGpWI2RCNw.

###
 Misyon ng FEMA ang tulungan ang mga tao bago, sa panahon, at pagkatapos ng mga kalamidad..

Tags:
Huling na-update