Maaaring May Tulong na Maku-kuha sa Ibang Mapagkukunan kung Hindi Makatulong ang FEMA

Release Date:
March 15, 2021

Hindi lahat ng mga nakaligtas sa mga bagyo noong Pebrero ay karapat-dapat sa tulong ng FEMA. Ang iba ay maaaring karapat-dapat sa ibang tulong, ngunit mas kaunti sa kailangan nila.  Saan maaaring humingi ng tulong ang mga nakaligtas na ito?  Kanino sila maaaring tumawag?

Maraming mga Ahensya ng Estado, Pederal ang Naghahandog ng Tulong sa Sakuna.

Habang nagtatrabaho ng parehong mag-isa at ng may pakikipagtulungan sa FEMA, maraming mga kagawaran ng gabinete at mga ahensya ng estado at ng pederal ang naghahandog ng maraming mga walang bayad na serbisyo, mga programa at mga gawad sa mga nakaligtas sa masidhing panahon ng taglamig sa Texas.  Marami sa mga organisasyon ng mga pamahalaang ito na maaaring makatulong ay nakalista dito:

Komisyon ng mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao ng Texas (Texas Health & Human Services Commission (HHSC))

Ang HHSC ay pumapayag na gamitin ng mga tumatanggap ng Programa sa Pandagdag na Tulong sa Nutrisyon (Supplemental Nutrition Assistance Program (SNAP)) ang kanilang benepisyo ng pagkain upang makabili ng maiinit na mga pagkain at mga handa-ng-kainin na mga kakanin hanggang sa katapusan ng Marso.  Ang mga pagkain tulad ng rotisyerang manok o mga pagkain ng deli sa tindahan ng groserya ay maaaring bilhin sa mga nagtitingi na tumatanggap ng SNAP saan man sa estado, na gamit ang Lone Star Card. 

  • Ang mga tumatanggap ng SNAP ay maaari ring mag-aplay para sa mga pampalit ng benepisyo sa mga pagkaing nawala o nasira, dahil sa mga pagkawala ng kuryente na kaugnay ng bagyo, sa pamamagitan ng pagtawag sa 2-1-1 (piliin ang 2).

Komisyon ng Manggagawa ng Texas (TWC)

Ang mga nakatira sa Texas na nawalan ng kanilang mga trabaho, pati na ang mga indibidwal na may trabahong-pansarili na hindi nakapagtrabaho, dahil sa pinsala na tinamo mula sa matinding mga bagyo ng taglamig, ay maaaring mag-aplay para sa Tulong sa Kawalan ng Trabaho sa Sakuna (Disaster Unemployment Assistance (DUA). ) Ang DUA ay isang programa na pinondohan ng pederal na pinangangasiwaan ng TWC na siyang tumatanggap ng mga aplikasyon hanggang Marso 26, 2021, sa Tulong sa Kawalan ng Trabaho sa Sakuna.

Pangasiwaan ng Maliliit ng Negosyo ng U.S. (U.S. Small Business Administration (SBA))

Hanggang sa ngayon, naaprubahan na ng SBA ang mahigit sa $20 million na mga pautang na may mababang-interes sa mga Texans na naapektuhan ng bagyo.

  • Ang Sentro ng Birtwal na Pag-abot sa Pautang sa Sakuna ng SBA (SBa’s Virtual Disaster Loan Outreach Center) ay bukas mula 7 n.u. hanggang 7 n.g. CST sa mga araw ng trabaho.  Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga pautang para sa mga may-ari ng bahay, mga nangungupahan at mga negosyo, o para mag-aplay para sa isang pautang, makipag-ugnay sa kinatawan sa serbisyo sa kostumer ng SBA sa pamamagitan ng email sa FOCWAssistance@sba.gov, sa telepono sa 800-659-2955 (TTY 800-877-8339) o bumisita sa https://disasterloanassistance.sba.gov.

Kagawaran ng Agrikultura ng U.S. (U.S. Department of Agriculture (USDA))

Ang Tulong sa Sakuna para sa Pagpapaunlad sa Bukid (USDA Rural Development Disaster Assistance) ay nag-aalok ng maraming programa upang makatulong sa mga nakaligtas sa bagyo na mapabuti ang kalidad ng buhay sa mga komunidad sa bukid.  Kabilang sa magagamit na mga programa ng mga may-ari ng pabahay sa bukid at mga nangungupahan ay:

  • Ang mga  pautang sa pabahay sa bukid ay nag-aalok ng isang gawad upang makatulong sa pagpapababa ng mga bayad sa utang sa bahay sa isang maikling panahon.    Ang kita ng iyong pamilya ang makakatukoy ng halaga ng iyong gawad.  Maaari mong gamitin ang pautang upang matulungan kang bumili, magpatayo, magsa-ayos, magkumpuni, magpabuti o maglipat ng iyong pangunahing bahay.  Maaari mo ring gamitin ang mga pondo sa pagbili at paghahanda sa mga lugar, kasama na ang paglalagay ng tubig at kanal.
  • Ang mga Pautang at mga Gawad sa Pagkumpuni ng Bahay sa Bukid (Rural Housing Repair Loans and Grants) ay maaaring gamitin upang makumpuni, mapabuti, o mabago ang iyong bahay.  Magagamit ito ng mga may-ari ng bahay na mahigit sa 62 taong gulang, ang perang ito ay magagamit rin sa pag-aalis ng mga panganib sa kalusugan at kaligtasan mula sa iyong bahay.  Ang mga pautang ay magagamit sa mga halagang hanggang $20,000; ang mga gawad hanggang sa $7,500 (na maaaring isama sa mga pautang).
  • Ang mga tulong sa pangungupahan sa pabahay sa bukid at pabahay sa kooperatiba ay magagamit sa halos lahat ng lalawigan sa Texas.

Upang maging kuwalipikado para sa alin man sa mga programang ito, kailangang nakatira ka sa isang lugar sa kabukiran.  Para sa karagdagang impormasyon o upang mag-aplay  para dito at sa iba pang mga programa ng USDA, bumisita sa https://www.rd.usda.gov .

Kagawaran ng Pabahay at Pagpapaunlad sa Kalunsuran ng U.S. (U.S. Department of Housing & Urban Development (HUD))

Ipinabatid ng HUD ang mga programang pederal na tulong sa sakuna na magbibigay ng suporta sa mga may-ari ng bahay at mga bibili ng bahay sa Texas.  Kasama sa mga programa ang:

  • Proteksyon sa pag-iilit para sa mga may-ari ng bahay sa mga lugar na may idineklara ng panguluhan na may pangunahing sakuna; at
  • Seguro ng FHA sa mga biktima ng sakuna na ang mga bahay ay nawasak o Nasir hanggang sa ang muling pagpapatayo o pagpapalit ay kinakailangan. 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga mapagkukunan sa sakuna ng HUD, bumisita sa https://www.hud.gov/info/disasterresources.

Samahan ng Pederal na Pambansang Pagpapautang (Federal National Mortgage Association (Fannie Mae))

Ang Ugnayan ng Pagtugon sa Sakuna ng Fannie Mae (Fannie Mae’s Disaster Response Network™ ) ay naghahandog ng walang bayad na suporta para sa mga karapat-dapat na mga may-ari ng bahay mula sa mga tagapayo sa pabahay na inaprubahan ng HUD, kasama na ang:

  • Personal na pagtuklas ng pagbawi at plano ng pagkilos;
  • Tulong sa paghahain ng paghahabol (gaya ng sa FEMA, seguro at SBA);
  • Tulong sa paggawa sa tagabigay ng pautang sa bahay tungkol sa mga pagpipiliang kaluwagan sa pagbabayad;
  • Pagkuha ng mga gamit at mapagkukunan sa pagbawi sa sakuna sa Clearpoint’s Project Porchlight; at
  • Patuloy na pagsusuri upang makatulong sa pagseseguro na tagumpay na pagbawi.

Para sa karagdagang impormasyon at upang maisaayos ang paglapit sa isang tagapayo ng Clearpoint Project Porchlight tumawag sa 877-833-1746.

Kagawaran ng Kaban ng Bayan ng U.S. (U.S. Department of the Treasury)

Huwag hayaan na maging sagabal ang sakuna sa pagitan mo at ng iyong pera.   Kung makuha mo ang mga pagbabayad ng benepisyo ng pederal sa pamamagitan ng tseke, maaari mong palitan ito ng direktang deposito, para ang iyong pera ay diretsong mailalagak sa isang checking o savings account sa araw ng pagbabayad  bawat buwan.  Maaalis nito ang panganib ng nahuling pagbabayad dahil sa isang sakuna.

Maaari kang pumili sa dalawang pagpipiliang pagbabayad:

  • Direktang Deposito (Direct Deposit) - Ang iyong bayad ay mailalagak sa iyong checking o savings account.  Matuto pa ng higit na marami ng tungkol sa direktang deposito sa online sa www.godirect.gov.
  • Direct Express® Debit MasterCard® - Isang pinaunang bayad na debit card na magagamit mo upang makapamili ng paninda, magbayad ng mga paniningil, at makakuha ng pera.  Ito ay isang wala- o may mababang-halaga na kapalit ng papel na tseke.

Kunin ang mga pagtitipid sa bono (savings bonds) ng maaga – bago matapos ang karaniwang pinakamaigsing panahon ng paghawak na 12-buwan – kung ikaw ay nakatira sa isang itinalagang lalawigan sa isang idineklarang matinding panahon ng taglamig.

  • Kung ang iyong Serye EE, HH, o I na mga bono (Series EE, HH or I bonds) ay nawala, nasira, nawasak o nadumihan ng mga bagyo at pagbabaha, maaari kang makakuha ng higit na mabilis na kapalit nitong mga papel na bono.  Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa treasurydirect.gov/indiv/bonds_eeredeem_disaster.htm.

Serbisyo sa Panloob na Kita (Internal Revenue Service (IRS))

May mga espesyal na probiso ng batas sa buwis na maaaring makatulong sa mga indibiduwal na tagabayad ng buwis at mga negosyo na makabawi ng pinansiyal mula sa epekto ng mga bagyo noong Pebrero.  Batay sa mga pangyayari, binibigyan ng IRS ang mga Texans hanggang Hunyo 15, 2021 upang maghain ng iba-ibang mga pagbabalik ng buwis para sa indibiduwal at mga negosyo at gumawa ng pagbabayad ng buwis.

Ang mga indibidwal at mga negosyo sa mga idineklara ng pederal na lugar ng sakuna ay maaaring makakuha ng higit na mabilis na pagbabalik-bayad sa pamamagitan ng paghahabol ng mga nawala sa sakuna sa nakaraang taong pagbabalik ng buwis, karaniwan ay sa pamamagitan na paghain  ng isang binagong pagbabalik.  Maaari mong ibawas ang nawala o bahagi ng nawala sa iyong bahay, mga gamit na sasakyan sa sambahayan mula sa pinsala ng sakuna sa iyong indibidwal na pagbabalik ng buwis pederal.  Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa www.irs.gov website.

Pangasiwaan ng Serbisyo sa Pag-abuso sa Sangkap at Kalusugang Pangkaisipan (SAMHSA)

Ang Helpline ng Pagkabalisa sa Sakuna ng SAMHSA (SAMHSA Disaster Distress Helpline (DDH))   ay isang pambansang hotline na nag-aalay ng isang buong taong pagpapayo sa krisis ng sakuna.

 Kung nararadaman mo ang pamimighati dahil sa mga bagyo, maaari mong magamit itong walang bayad na serbisyo.  Ito ay walang-bayad, may maraming wika na suporta sa krisis, at makukuha araw-araw, 24 oras sa isang araw.  Ang kawani ng helpline ay nagbibigay ng pagpapayo at suporta at maaaring makatulong sa iyo na maintindihantte kung paano makayanan ang mga pangkaraniwang reaksyon sa pagkabahala.  Maaari rin silang magbigay ng impormasyon at mga masasanggunian para sa mga susunod na pangangalaga.

Kung ikaw o ang isang kakilala mo ay naghihirap pagkatapos ng mga bagyo ng taglamig sa Texas, tumawag o mag teks sa DDH sa 800-985-5990. Upang matuto pa, bumisita sa https:www.SAMHSA.gov

At Marami pa…

aaari kang makakuha ng higit pang tulong sa sakuna at mga mapagkukunan, pati na ang mga personal na listahan ng makukuhang tulong sa www.benefits.gov/benefit-finder/Household.

Para sa pinakahuling impormasyon sa mga bagyo ng taglamig sa Texa, bumisita sa https://www.fema.gov/disaster/4586

Tags:
Huling na-update noong