Ang mga county ng Alameda, Contra Costa, Mendocino at Ventura ay idinagdag sa pangunahing deklarasyon ng sakuna para sa matinding bagyo at pagbaha sa California, ibig sabihin, ang mga residenteng nagkaroon ng pinsala o pagkalugi mula sa mga bagyo na nagsimula noong Disyembre 27, 2022, ay maaari na ngayong mag-apply para sa tulong sa kalamidad ng FEMA.
Balita at Media: Sakuna 4683
Higit Pa Tungkol sa Sakunang Ito
Mga Press Release at Mga Fact Sheet
6
Ang mga residente ng California na nag-aplay para sa tulong mula sa FEMA para sa mga kamakailang matitinding bagyo at pagbaha ay makakatanggap ng sulat ng pagpapasiya mula sa FEMA. Maaaring sabihin nito na hindi ka karapat-dapat para sa tulong, ngunit hindi iyon isang pagtanggi. Ang mga aplikante ay binibigyan ng dahilan para sa hindi pagiging karapat-dapat at sinabihan kung ano ang kailangan nilang gawin upang iapela ang desisyon. Kadalasan, kailangan lang nilang magpadala ng karagdagang impormasyon.
Ang estado ng California at FEMA ay nakatuon sa pagbibigay ng pantay na access sa lahat ng estado at pederal na programa ng tulong sa kalamidad habang tinutulungan ang mga residente na makabangon mula sa matinding bagyo at pagbaha na nagsimula noong Disyembre 27, 2022.
Ang mga Sentro ng Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Centers) ay isang one-stop shop kung saan ang mga nakaligtas sa sakuna ay makakakuha ng impormasyon at payo tungkol sa mga ahensya ng komunidad, estado at pederal at iba pang magagamit na tulong. Naa-access din sila ng mga taong may kapansanan at mga may access at functional na pangangailangan.
Ang tulong ng FEMA ay hindi kapalit ng insurance ngunit maaaring tumulong sa mga pangunahing pangangailangan upang makatulong na simulan ang iyong pagbangon mula sa matinding bagyo at pagbaha. Kabilang dito ang tulong sa paggawa ng mahahalagang pagkukumpuni sa bahay, paghahanap ng pansamantalang matutuluyan, at pagkumpuni o pagpapalit ng ilang gamit sa bahay.
Mga PDF, Graphics at Multimedia
View the Disaster Multimedia Toolkit for social media and video content to help communicate about general disaster recovery.
Walang mga file ang nai-tag sa sakunang ito.