PENSACOLA, Fla. – Pagkatapos mong mag-apply para sa tulong na pansakuna mula sa FEMA, maaari kang mai-refer sa U.S. Small Business Administration (SBA, Pangasiwaan para sa Maliit na Negosyo ng Estados Unidos). Kung ikaw ay ini-refer sa SBA, dapat kang magsumite ng aplikasyon para sa disaster loan (utang na pansakuna) sa SBA.