PENSACOLA, Fla. – Pagkatapos ng isang sakuna, ang pandaraya ay maaaring maging isang problema.
Minsan, ang mga nakaligtas na sumusubok na magparehistro sa FEMA ay natuklasang may ibang tao na na nagparehistro na gamit ang kanilang pangalan. Ang mga scammer ay maaaring makipag-ugnay sa mga nakaligtas na hindi pa nakarehistro sa FEMA at subukang kumuha ng pera o impormasyon. Sa mga kasong ito, malamang na nakompromiso ang personal na data ng nakaligtas.
FEMA reminds survivors:
- Ang FEMA at ang U.S. Small Business Administration (SBA) ay hindi kailanman naniningil para sa pagpaparehistro, pag-iinspeksyon sa bahay, mga gawad, aplikasyon sa kalamidad-utang o anupaman.
- Kung nakarehistro ka at nais mong i-verify ang anumang pagsusulatan mula sa FEMA, tumawag sa 800-621-3362
(TTY 800-462-7585).
- Kung ikaw ay naghihinalang may pandaraya, tumawag sa National Center for Disaster Fraud Hotline sa 866-720-5721, sa Florida Attorney General na Fraud Hotline sa 866-966-7226 o iulat ito sa iyong lokal na kagawaran ng pulisya.
Inirerekumenda rin ng FEMA na subaybayan mo ang iyong ulat sa kredito para sa anumang mga account o mga pagbabago na hindi mo nakikilala. Kung matuklasan mong mayroong gumagamit ng iyong impormasyon, kakailanganin mong gumawa ng mga karagdagang hakbang, kasama ang pagsampa ng isang reklamo sa Federal Trade Commission sa pamamagitan ng website nito: IdentityTheft.gov.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagbawi sa Hurricane Sally sa Florida, bisitahin ang webpage ukol sa sakuna ng FEMA sa https://www.fema.gov/disaster/4564 o sa webpage ng Florida Division of Emergency Management sa https://www.floridadisaster.org/info/.