May Available na Tulong sa Pag-upa ang FEMA Kung Kailangan Mo

Release Date Release Number
DR-4856-CA NR 004
Release Date:
Enero 17, 2025

LOS ANGELES – Dapat makipag-ugnayan sa FEMA ang mga nakaligtas sa wildfire sa Los Angeles County na apektado ng mga wildfire na nagsimula noong Enero 7, 2025, na nakatanggap ng paunang pondo para sa Displacement Assistance, ngunit mayroon pa ring pangangailangan sa pabahay. Tumutulong ang Displacement Assistance sa mga nakaligtas na hindi makabalik sa kanilang tahanan pagkatapos ng sakuna sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng paunang pera upang tumulong sa mga agarang pangangailangan sa pabahay. Maaaring kuwalipikado ang mga nakaligtas para sa karagdagang tulong sa pag-upa para sa pansamantalang pabahay.

Puwedeng makatulong ang FEMA sa mga kuwalipikadong nakaligtas sa wildfire na hindi makatira sa kanilang tahanan dahil sa pinsalang dulot ng mga sunog. Makikipagtulungan ang FEMA sa mga sambahayan upang maunawaan ang kanilang mga pansamantalang pangangailangan sa pabahay at iuugnay sila sa mga karagdagang resource.

Upang humiling ng Tulong sa Pag-upa, kailangang makipag-ugnayan at ipaalam ito sa FEMA ng mga may-ari ng bahay at nangungupahan. Magagawa ito sa pamamagitan ng:

  • Pagpunta sa Disaster Recovery Center.
  • Pagtawag sa FEMA Helpline sa 1-800-621-3362. Kung gumagamit ka ng relay service gaya ng VRS, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.
  • Pagpapadala ng iyong kahilingan sa pamamagitan ng pagsulat sa FEMA: P.O. Box 10055, Hyattsville, MD 20782-8055.

Pag-aapply ang unang hakbang upang makatanggap ng tulong ng FEMA. May apat na paraan upang mag-apply: tawagan ang toll-free FEMA Helpline sa 1-800-621-3362, pumunta sa DisasterAssistance.gov

i-download ang FEMA App o pumunta sa Disaster Recovery Center. Bukas ang linya ng telepono araw-araw mula 7 a.m. hanggang hatinggabi PT, at available ang tulong sa karamihan ng mga wika. Ang deadline sa pag-aapply para sa tulong para sa mga wildfire ay sa Marso 10, 2025

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbangon ng California, pumunta sa fema.gov/disaster/4856. I-follow ang FEMA Region 9 @FEMARegion9 sa X o i-follow ang FEMA sa social media sa: FEMA Blog sa fema.gov, @FEMA@FEMAEspanol sa X, FEMAFEMA Espanol sa Facebook, @FEMA sa Instagram, at sa FEMA YouTube channel. I-follow din si Administrator Deanne Criswell sa Twitter @FEMA_Deanne.

Nakatuon ang California sa pagsuporta sa mga residenteng naapektuhan ng Los Angeles Hurricane-Force Firestorm habang nasa proseso sila ng pagbangon. Pumunta sa CA.gov/LAFires para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga disaster recovery program, mahahalagang deadline, at kung paano mag-apply para sa tulong.

Tags:
Huling na-update