Ang Tulong ng FEMA ay Umaabot na sa $20 Milyon para sa San Diego County

Release Date Release Number
010
Release Date:
April 3, 2024

San Diego, Calif. — Ang FEMA at ang Governor’s Office of Emergency Services ng California (Cal OES Opisina ng Mga Serbisyong Pang-emerhensiya ng Gobernador ng California), kasama ng iba pang mga kapartner ng pederal, estado at lokal, ay nagsagawa ng buong pagsisikap ng komunidad upang suportahan ang mga residente ng County ng San Diego sa kanilang pagbangon mula sa Ene. 21-23, 2024 na malubhang bagyo at pagbaha na kalamidad. Sa ngayon, ang FEMA at SBA ay namahagi na ng higit sa $20 milyon sa tulong sa recovery sa sakuna para sa mga nakaligtas.

  • Mahigit sa 2,427 na mga sambahayan ang naaprubahan para sa mga grant ng FEMA, kabilang ang:
    • $15.1 milyon na mga grant sa pabahay, kabilang ang short-term na tulong sa renta at mga gastos sa pagkukumpuni ng bahay.
  • Halos $3.4 milyon ang inaprubahan para sa iba pang mahahalagang pangangailangan na may kaugnayan sa sakuna, gaya ng mga gastusin na may kaugnayan sa mga gastusing medikal at nawalang mga personal na ari-arian.
  • Ang mga tauhan ng FEMA ay bumisita na sa 13,316 na kabahayan upang tulungan ang mga nakaligtas na mag-aplay para sa tulong.
  • Mahigit sa 78% ng mga may-ari ng bahay na nag-apply para sa tulong ay nakatanggap ng ilang karagdagang pondo para sa mga pagsisikap sa mitigasyon.
  • Ang U.S. Small Business Administration ay nag-apruba na ng 65 na mga pautang sa halagang $1.7 milyon. 

Mayroong pang Oras para Mag-Apply

Ang mga residente ng San Diego County ay mayroon hanggang Abril 19, 2024 para mag-apply sa tulong ng FEMA

  • Sa Online: DisasterAssistance.gov.
  • Sa pamamagitan ng telepono: 800-621-3362, 7 n.u. hanggang 10 n.h. araw-araw.
  • Sa Mobile App: i-download at gamitin ang FEMA app.
  • Sa Sentro ng Disaster Recovery, 10 n.u. – 7 n.h., Martes – Sabado sa: 
    • Mountain View Community Center matatagpuan sa, 641 South Boundary Street, San Diego CA 92113
    • Spring Valley Library, 836 Kempton Street, Spring Valley CA 91977

Ang bawat DRC ay naa-access ng mga taong may mga kapansanan. Ang mga kagamitan sa pantulong na teknolohiya ay magagamit upang matulungan ang mga nakaligtas sa kalamidad na makipag-ugnayan sa mga kawani. Mayroon ding magagamit na Video Remote Interpreting, at ang mga sentro ay may accessible na paradahan, mga rampa, at mga banyo. Kung kailangan mo ng mga akomodasyon upang makipag-usap, mangyaring abisuhan kaagad ang kawani ng FEMA sa sentro.

Kung kailangan mo ng tulong ng ASL sa isang DRC, mangyaring makipag-ugnayan kay Aaron Kubey sa aaron.kubey@fema.dhs.gov nang maaga upang mag-iskedyul ng petsa at oras para sa isang ASL na tagapagsalin na makipagkita sa iyo doon.

Para sa pinakabagong impormasyon ng FEMA sa Enero 21-23, 2024, matinding bagyo at pagbaha ng San Diego County, bisitahin ang www.fema.gov/disaster/4758

###

Ang misyon ng FEMA ay ang pagtulong sa mga tao bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna.

Ang lahat ng tulong sa sakuna ng FEMA ay ibibigay nang walang diskriminasyon batay sa lahi, kulay, kasarian (kabilang ang sekswal na panliligalig), oryentasyong sekswal, relihiyon, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, limitadong kasanayan sa Ingles, o katayuan sa ekonomiya.

Ang mga Sentro ng Disaster Recovery ay mga protektadong lugar na itinalaga upang magbigay ng emerhensiyang pagtugon at tulong para sa mga nakaligtas sa kalamidad. Ang U.S. Immigration and Customs Enforcement at U.S. Customs and Border Protection ay hindi nagsasagawa ng mga operasyon ng pagpapatupad sa o malapit sa mga lokasyong ito, maliban sa mga limitadong pagkakataon gaya ng napipintong panganib ng kamatayan, karahasan, o pisikal na pinsala. Dagdag pa rito, hindi agad na ibabahagi ng FEMA ang personal na impormasyon ng mga nakaligtas sa baha sa mga ahensya ng imigrasyon o tagapagpatupad ng batas.

Kung naniniwala kang nilabag ang iyong mga karapatang sibil, maaari kang tumawag sa linya ng Civil Rights Resource sa 833-285-7448 (TTY 800-462-7585). Ang mga gumagamit ng isang relay service tulad ng isang videophone, InnoCaption o CapTel ay dapat i-update ang FEMA gamit ang kanilang partikular na numero na itinalaga sa serbisyong iyon. Magagamit ang mga multiplayer operator (pindutin ang 2 para sa Espanyol).

Tags:
Huling na-update noong