Huwag Maghintay, Kumuha ng Seguro sa Pagbaha para Laging Handa

Release Date Release Number
54
Release Date:
Disyembre 6, 2023

Maraming residente ng Florida ang naniniwala na hindi nila kailangang bumili ng seguro sa pagbaha. Hindi sila nakatira sa lugar na may mataas na panganib ng pagbaha. Subalit, ang pagbaha ay maaaring mangyari kahit saan na madalas na ikinagugulat ng mga residente na nag-akala na sila ay sakop ng kanilang seguro para sa sakuna. Kapag nangyari ang pagbaha, ang pagkasira ay hindi kadalasang sinasakop ng karamihan ng patakaran sa seguro ng mga may-ari ng bahay. Ang isang pulgada ng tubig baha ay maaaring magdulot ng hanggang $25,000 ng pagkasira sa isang bahay. 

Karaniwan ang pagbaha sa Florida. Pagkatapos ng Bagyong Idalia, higit sa 5,000 claim sa pagbaha ang inihain sa pamamagitan ng National Flood Insurance Program (NFIP o Pambansang Programa ng Seguro sa Pagbaha) na may kabuuang kabayaran ng higit sa $300 milyon sa kasalukuyan na nagsasara ng higit sa 85% ng claim ng NFIP sa unang 90 araw pagkatapos ng kaganapan. Sa kabuuan, ang Hazard Mitigation Community Education & Outreach  (Pangkomunidad na Edukasyon sa Pagpapagaan sa Pinsala) ay nagpayo ng higit sa 11,000 nakaligtas sa NFIP at iba pang hakbang sa pagpapagaan. Ang programa ng seguro sa pagbaha ay mayroong higit sa 1.7 milyon na may hawak ng patakaran sa buong estado na may kabuuang saklaw na humihigit sa $448 billion. 

Ang mga may-ari ng pantahanan at pangkalakal na pag-aari pati na rin ang mga umuupa ay maaaring protektahan ang kanilang sarili mula sa pagkalugi sa pananalapi sa pamamagitan ng pagkakaroon ng patakaran ng seguro sa pagbaha sa gamit ang NFIP upang ipaseguro ang mga gusali at/o kanilang nilalaman. Ang saklaw ng seguro sa pagbaha ay maaaring gamitin anuman ang pagpapahayag sa pederal na sakuna. Mayroong 30-araw na panahon ng paghihintay bago magkabisa ang mga bagong patakaran, kaya huwag maghintay para makakuha ng patakaran. 

Sa Florida, 468 komunidad ang lumalahok sa NFIP; 10 komunidad ang hindi. Ang mga residente ay maaaring makakuha ng patakaran ng seguro sa pagbaha kung ang kanilang komunidad ay lumahok sa NFIP, anuman ang kanilang panganib sa pagbaha. Ang saklaw ay magagamit para sa pantahanan ag pangkalakal ng gusali at ang kanilang nilalaman: 

  • Hanggang $250,000 sa saklaw ng gusali at hanggang $100,000 sa saklaw sa nilalaman para sa mga isahan-hanggang-apatan na pampamilya na pantahang istruktura. 
  • Hanggang $500,000 sa saklaw sa gusali at hanggang $500,000 sa nilalaman para sa lima-o-higit pa na pampamilya na pantahanang istruktura. 
  • Hanggang $500,000 sa saklaw sa gusali at hanggang $500,000 sa saklaw ng nilalaman para sa negosyo 

Bilang bahagi ng kanilang tulong sa sakuna, ang FEMA ay nagbigay ng mga Group Flood Insurance Policy (GFIP o Panggrupong Patakaran ng Seguro sa Pagbaha) sa mga may-ari ng bahay at umuupa pagkatapos ng Bagyong Idalia. Ang mga panggrupong patakaran ay mga 36-buwan na sertipiko sa seguro ng NFIP para sa mga nakaligtas sa sakuna na nakatira sa isang lugar na may mataas na panganib ng pagbaha, nagtamo ng pagkasira sa pagbaha, walang seguro sa pagbaha, at hindi nakatanggap ng tulong sa sakuna ng FEMA. Kapag nag-expire ang sertipiko ng GFIP, ang nakaligtas ay may pananagutan sa pagkuha at pagpapanatili ng seguro sa pagbaha. Ang kabiguang mapanatili ang seguro sa pagbaha ay makakaapekto ng kanilang pagiging karapat-dapat para sa tulong sa sakuna sa hinaharap. 

Upang makabili ng patakaran, tawagan mo ang iyong kompanya ng seguro o ahente. Bilang karagdagan sa NFIP, ang seguro sa pagbaha ay maaari ring magamit para sa ilang mga pribadong tagapagbigay ng seguro. Para sa referral para sa ahente, tumawag sa 800-427-4661 o bisitahin ang https://www.fema.gov/flood-insurance

FEMA Mapping and Insurance eXchange (FMIX o Pagmamapa at Palitan ng Seguro ng FEMA)

Ang mga espesyalista sa Customer Care Center (Sentro ng Pag-aalaga sa Parokyano) ng  FEMA Mapping and Insurance eXchange (FMIX o Pagmamapa at Palitan ng Seguro ng FEMA) ay kayang tulungan ka sa iyong mga tanong tungkol sa pagmamapa sa pagbaha at seguro. Ang FMIX ay nagbibigay ng buong hanay ng impormasyon na kinakailangan mo upang makagawa ng mga matalinong desisyon tungkol sa parehong seguro at panganib upang protektahan ang buhay na iyong binuo. Inuugnay din ng FMIX ang mga parokyano sa mga teknikal na eksperto na dalubhasa sa mga paksa tulad ng pagmomodelo, pagmamapa ng GIS, underwriting sa seguro at mga claim, at ang software ng Hazus sa pagtatantya ng pagkawala.

FMIX | Floodmaps | FEMA.gov 

Tumawag sa amin: 1-877-336-2627

Email: FEMA-FMIX@fema.dhs.gov

Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bisitahin ang  floridadisaster.org/updates/ at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X na dating kilala bilang Twitter, sa twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.

Matuto pa sa fema.gov 

Tags:
Huling na-update