Manatiling Nakikipag-Ugnayan sa FEMA

Release Date Release Number
044
Release Date:
October 31, 2023

LAKE MARY, Fla. – Ang mga taga-Florida na nag-apply para sa tulong mula sa FEMA ay dapat manatiling nakikipag-ugnayan sa ahensya upang maupdate ang mga detalye ng aplikasyon gamit ang kahit anong bagong impormasyon. Ang isang aplikasyon ay maaaring maantala ng kulang o makalumang bagay.

Ang impormasyon na maaaring kailanganing i-update ay maaaring kinabibilangan ng:

  • Iyong kasalukuyang sitwasyon sa pabahay, numero ng telepono o mailing address.
  • Pagdagdag o pagtanggal ng pangalan ng taong itinalaga na magsalita para sa iyo.
  • Pagdagdag o pagpalit ng pangalan ng mga miyembro ng sambahayan at bilang ng mga taong nakatira sa bahay.
  • Pagbabago sa iyong aplikasyon para sa tulong ng FEMA.
  • Pagwawasto o pagbeberipika ng pagkasira sa bahay at pag-aari.
  • Pag-update ng iyong kagustuhan sa pagbabayad.

Para i-update ang iyong impormasyon maaari kang gumawa ng account sa DisasterAssistance.gov, bumisita sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna o tumawag sa Linya ng Tulong sa 800-621-3362. Ang linya ng telepono ay bukas araw-araw mula 7 n.u. hanggang 10 n.g. sa Silangang Pamantayang Oras. Ang tulong ay maaaring magamit sa karamihan ng mga wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng VRS (serbisyo ng relay sa bidyo), serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.

Kapag nakikipag-ugnayan sa FEMA siguraduhin na sumangguni sa siyam na digit na numero ng aplikasyon na ibinigay sa iyo noong nag-apply ka. Kasama ang numero sa lahat ng sulat na matatanggap mo mula sa FEMA.

Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bumisita sa  floridadisaster.org/updates/ at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X na dating kilala bilang Twitter, sa twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update noong