Pag-unawa sa iyong Liham ng FEMA

Release Date Release Number
036
Release Date:
October 20, 2023

LAKE MARY, Fla– Ang mga nakaligtas na nag-apply para sa tulong mula sa FEMA pagkatapos ng Bagyong Idalia ay tatanggap ng liham mula sa FEMA na nagpapaliwanag ng katayuan ng kanilang aplikasyon.

Kung ang aplikante ay napatunayang karapat-dapat para sa tulong, ipapaliwanag ng liham ang halaga ng tulong na ibinigay ng FEMA at impormasyon sa wastong paggamit ng pondo ng tulong sa sakuna. 

Kung ang aplikante ay napatunayang hindi karapat-dapat, basahin nang mabuti ang liham dahil ipinapaliwanag nito ang dahilan ng pagtanggi at kung ano ang maaaring kailanganing isumite kasamg na liham ng apela.

Ang aplikasyon sa FEMA ay isang proseso, at gusto naming tiyakin na ang mga nakaligtas ay makakatanggap ng lahat ng tulong kung saan sila ay kwalipikado.

Ang mga nakaligtas ay maaaring kailanganin lang na magsumite ng karagdagang impormasyon o sumusuportang dokumentasyon para ipagpatuloy ng FEMA ang pagproseso ng aplikasyon. Ang mga halimbawa ng nawawalang dokumentasyon o kinakailangang mga aksyon ay maaaring kinabibilangan ng:

  • Kasunduan sa Seguro o liham ng pagtanggi mula sa tagapagbigay ng seguro
  • Patunay ng pagkakakilanlan
  • Patunay ng pagsaklaw 
  • Patunay ng pagmamay-ari
  • Patunay na ang nasirang pag-aari ay ang pangunahing tirahan ng aplikante sa panahon ng sakuna.
  • Pagkumpleto ng iyong Aplikasyon sa Pautang sa SBA
  1.  

Ang mga katanungan tungkol sa iyong liham ay maaaring masagot sa pamamagitan ng pagtawag sa linya ng tulong sa sakuna sa 800-621-3362.

Ang mga nakaligtas na hindi sumasang-ayon sa desisyon ng pagiging hindi karapat-dapat, o sa halaga o layunin nt inaprubang tulong ay maaaring mag-apela sa determinasyon ng FEMA. Ang proseso ng apela ay ipinapaliwanag sa sulat. 

Para sa isang naa-access na bidyo tungkol sa liham ng pagiging karapat-dapat ng FEMA, pumunta sa Naa-access sa FEMA: Pag-unawa sa Iyong Liham - YouTube.

Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bumisita sa  floridadisaster.org/updates/ at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X na dating kilala bilang Twitter, at twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update noong