Pag-unawa sa Iyong Sulat ng FEMA

Release Date Release Number
DR-4724-HI NR-012
Release Date:
September 6, 2023

HONOLULU – Ang mga residente ng Hawaii na nagparehistro sa tulong ng FEMA para sa mga sunog na nagsimulang kumalat sa Maui Agosto 8 ay makakatanggap ng sulat ng pagpapasiya mula sa FEMA. Sa ilang mga kaso, maaaring sabihin ng sulat na hindi ka karapat-dapat para sa tulong. Ito ay hindi pagtanggi.

Mahalagang basahin nang mabuti ang sulat. Isasama nito ang halaga ng tulong na maaaring ibigay ng FEMA at impormasyon kung paano mo magagamit ang iyong mga pondo ng tulong sa sakuna. Ipapaliwanag din ng sulat ang katayuan ng iyong aplikasyon at magbibigay ito sa iyo ng impormasyon tungkol sa kung ano ang gagawin para iapela ang desisyon ng FEMA.

Maaaring hilingin din sa iyo ng iyong sulat na magpadala ng karagdagang impormasyon o sumusuportang dokumentasyon para sa FEMA upang patuloy na suriin ang iyong aplikasyon. Halimbawa, maaaring hilingin sa iyong magpadala ng isa o higit pa sa mga sumusunod:

  • Katibayan ng saklaw ng insurance
  • Pag-areglo ng mga insurance claims o sulat ng pagtanggi mula sa insurance provider
  • Katibayan ng Pagkakakilanlan
  • Katibayan ng Paninirahan
  • Katibayan ng Pagmamay-ari
  • Katibayan na ang nasirang ari-arian ay ang pangunahing tirahan ng aplikante sa oras ng sakuna.

Kung isa ka sa maraming pamilyang nakatira sa iisang tirahan, ang bawat pamilya sa loob ng sambahayan ay maaaring maging karapat-dapat para sa tulong. Ang iyong landlord ay kakailanganing magbigay ng nakasulat na pahayag o kasunduan na malinaw na nagsasabing mayroon kang kasunduan sa pag-upa bago ang sakuna. Maaari ka ring magbigay ng mga lumang resibo ng upa, mga transaksyon sa bangko o mga tseke na nagpapakita na nagbayad ka ng upa sa landlord. Ang mga resibong ito ay dapat na may petsa sa loob ng tatlong buwan ng mga sunog. Sa madaling salita, ang mga ito ay dapat na may petsa sa pagitan ng Mayo 8 at Agosto 8.

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa iyong sulat sa pagpapasiya ng FEMA, tawagan ang FEMA Helpline 800-621-3362. Available ang mga espesyalista 24 na oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Available ang tulong sa karamihan ng mga wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay gaya ng Serbisyo ng Video Relay, serbisyo ng telepono na may caption o iba pa, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon kapag nag-apply ka.

Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbangon mula sa malaking sunog (wildfire) sa Maui, bisitahin ang mauicounty.gov at fema.gov/disaster/4724. I-follow ang @FEMARegion9 at facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update noong