Ang mga Umuupa ay Maaaring Mag-Apply para sa Tulong ng FEMA Pagkatapos ng Bagyong Idalia

Release Date Release Number
008
Release Date:
Setyembre 7, 2023

TALLAHASSEE – Ang mga umuupa sa 14 na county sa Florida na nagtamo ng pagkawala mula sa Bagyong Idalia ay maaaring mag-apply para sa pederal na tulong sa sakuna. Ang mga county ay Citrus, Columbia, Dixie, Gilchrist, Hamilton, Hernando, Jefferson, Lafayette, Levy, Madison, Pasco, Pinellas, Suwannee at Taylor.

Ang Tulong Pang-Indibidwal ng FEMA ay maaaring gamitin ng mga umuupa, kabilang ang mga estudyante. Ang mga pederal na gawad ay kayang tumulong para sa pansamantalang tuluyan. Ang inisyal na paupang gawad ay para sa isang-buwan o dalawang-buwan na panahon at maaaring suriin para sa karagdagang tulong. 

Ang mga umuupa ay maaari ring maging kwalipikado para sa gawad sa ilalim ng programa ng Tulong sa Ibang Pangangailangan ng FEMA para sa walang-segurong pagkawala sa mahalagang personal na pag-aari at iba pang  gastos na may kaugnayan sa sakuna. Maaaring kabilang dito ang personal na pag-aari, transportasyon, paglipat at pag-iimbak, medikal at dental, tulong sa libing, tulong sa pangangalaga ng bata, iba pang mahalagang bagay.

Para mag-apply, pumunta sa online sa DisasterAssistance.gov, tumawag sa 800-621-3362, bumisita sa isang Disaster Recovery Center (DRC o Sentro ng Pagbawi sa Sakuna) o gamitin ang FEMA mobile app. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng VRS (serbisyo ng relay sa bidyo), serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Ang huling araw ng aplikasyon ay Ika-30 ng Oktubre, 2023.

Para sa naa-access na bidyo tungkol sa tulong sa umuupa, bumisita sa Renters may be eligible for federal help.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bumisita sa floridadisaster.org/updates/ at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X, dating kilala bilang Twitter, sa twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update