LAKE MARY, Fla. – Patuloy na nag-iiskedyul ang FEMA ng mga bukas na pampublikong pagpupulong sa buong Timog-Kanlurang Florida sa misyon nitong ipaalam sa mga nakaligtas sa bagyo ang tungkol sa mga available na mga pang-estado at pederal na programa ng pagbangon. Sa nakaraang tatlong buwan, sinuportahan ng FEMA ang mahigit 100 pagpupulong ng komunidad sa buong lugar ng 20 county kung saan ang mga Eksperto sa Paksa ay naroroon upang talakayin ang mga programa, mga inisyatiba ng estado, tulong sa sakuna, mga mapagkukunan ng komunidad, at mga update. Naging isang paraan ang mga pampublikong kaganapang ito para matutunan ng mga tao ang tungkol sa kung paano pinakamahusay na makakapaghanda para sa susunod na bagyo, makuha ang mga sagot sa mga tanong tungkol sa National Flood Insurance Program (Pambansang Programa ng Seguro sa Baha), at linawin ang pagkalito tungkol sa pag-alis ng debris na hatid ng bagyo sa personal na ari-arian.
Tinitiyak sa mga pagpupulong na nakakatugon ang FEMA sa kasalukuyang kalagayang kinaroroonan ng mga tao. Para sa karamihan sa mga nakaligtas na hindi nakapunta sa Disaster Recovery Center (Sentro ng Pagbangon sa Sakuna) dahil sa trabaho o iba pang mga limitasyon, ilang event ang ginanap sa mga opisina at lokasyon ng trabaho sa oras ng tanghalian. Ang ibang mga pagpupulong ay ginanap sa gabi sa mga art market, town hall, at mga pakikisalamuha sa simbahan.
Iniskedyul ang mga event na ito kung saan ito hiniling; ngunit, maraming pampublikong pagpupulong ang ginanap sa mga county ng DeSoto, Hillsborough, Lee, Monroe, Polk, Seminole at Volusia. Sinuportahan din ng FEMA ang mga virtual na pagpupulong na inisponsor ng estado ng Florida upang talakayin ang mga opsyon sa pansamantalang pabahay at nakipagtulungan sa Polk County chapter ng National Association for the Advancement of Colored People para i-organisa ang mga pampublikong pagpupulong sa mga komunidad na hindi lubusang napaglilingkuran ayon sa kasaysayan. Naroon ang mga interpreter ng American Sign Language noong hiniling at may mga pampublikong pagpupulong na ginanap para lamang sa komunidad ng Hindi Nakakarinig at Nahihirapang Makarinig.
Sinusuportahan din ng FEMA ang mga bukas na pampublikong pagpupulong sa mga wikang bukod sa Ingles. Halimbawa, may mga event na inorganisa kung saan pangunahing wika ang Haitian Creole, Espanyol at Vietnamese. Bukod dito, naghahandog ang FEMA ng impormasyon sa maraming wika, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa Pranses, Aleman, Haitian Creole, Koreano, Portuges, Ruso, Pinasimpleng Tsino, Espanyol, Tagalog at Vietnamese.
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbangon ng Florida mula sa Bagyong Ian at Nicole, bisitahin ang floridadisaster.org/info sa fema.gov. Sundan ang FEMA Region 4 (@femaregion4) / Twitter sa facebook.com/fema.