BRANDON, Fla. – Ang FEMA ay inaabot ang mga nakaligtas sa Bagyong Ian kung nasaan man sila para matulungan sa pagsisimula ng kanilang pagbangon. Ang mga koponan ng FEMA ay pumupunta sa bawat pinto sa mga komunidad na naapektuhan, nagpapatakbo ng mga one-stop na Sentro sa Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center) at sumusuporta sa outreach ng komunidad.
Wala pang dalawang buwan mula noong deklarasyon ng sakuna, ang FEMA ay nagbigay ng $771 milyon na mga gawad sa 538,028 na aplikante para sa mga Indibidwal at mga Programang Pambahay, ang U.S. Small Business Administration ay nagbigay ng $1 bilyon sa mga pautang para sa sakuna, ang National Flood Insurance Program ay nagbayad ng $793 milyon sa mga claim at ang FEMA ay nagbigay ng $358 milyon sa Estado ng Florida para sa pagtugon sa emerhensya. Ang mga koponan na Tumutulong sa mga Nakaligtas mula sa Sakuna (Disaster Survivor Assistance) ay bumisita sa 261,000 tahanan at nakipag-ugnayan sa 129,000 indibidwal. Mahigit sa 1,800 kabahayan ang sumilong sa mga hotel sa gastos ng FEMA.
Pinahaba ng FEMA ang deadline ng aplikasyon hanggang Ene. 12, 2023, para sa mga nakaligtas sa Brevard, Charlotte, Collier, DeSoto, Flagler, Glades, Hardee, Hendry, Highlands, Hillsborough, Lake, Lee, Manatee, Monroe, Okeechobee, Orange, Osceola, Palm Beach, Pasco, Pinellas, Polk, Putnam, Sarasota, Seminole,
St. Johns at mga county ng Volusia.
Mayroong maraming Sentro sa Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center) na tumatakbo sa buong lugar na apektado. Para makahanap ng center na malapit sa iyo, mag-online sa: DRC Locator o floridadisaster.org, o mag-text DRC kasama ang iyong Zip Code sa 43362.
Hindi kailangan bumisita sa Sentro sa Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center) para mag-apply. Ang mga nakaligtas sa sakuna ay maaaring mag-online sa disasterassistance.gov, gamitin ang FEMA mobile app o tumawag sa 800-621-3362. Bukas ang linya araw-araw mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. Eastern Time. Mayroong tulong sa halos lahat ng wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, tulad ng video relay (video relay service, VRS), teleponong may caption, o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon. Para makita ang isang accessible video tungkol sa kung paano mag-aplay, bumisita sa: Three Ways to Register for FEMA Disaster Assistance - YouTube.
SANIBEL ISLAND, Fla. – Ang mga koponan na Tumutulong sa mga Nakaligtas mula sa Sakuna
(Disaster Survivor Assistance) ng FEMA ay bumisita sa isang lugar na naapektuhan ng Bagyong Ian, nakikipag-usap sa residente tungkol sa tulong ng FEMA. (FEMA larawan kuha ni Jocelyn Augustino)
FORT MYERS, Fla. – Ang mga miyembro ng koponan na Tumutulong sa mga Nakaligtas mula sa Sakuna (Disaster Survivor Assistance) ay nakikipag-usap sa mga lokal na residente sa mga kapitbahayan na naapektuhan ng Bagyong Ian at nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kung paano mag-aplay para sa pederal na tulong pagkatapos ng Bagyong Ian. (FEMA larawan kuha ni Jocelyn Augustino)
FORT MYERS, Fla. – Isang miyembro ng pangkat ng Tumutulong sa mga Nakaligtas mula sa Sakuna (Disaster Survivor Assistance) ang tumutulong sa isang nakaligtas sa Bagyong Ian na mag-aplay para sa tulong. (FEMA larawan kuha ni Austin Boone)
SANFORD, Fla. – Tinutulungan ng mga espesyalista ng FEMA ang mga nakaligtas sa Bagyong Ian na mag-aplay para sa tulong sa Midway Safe Harbor Center. (FEMA larawan kuha ni Bob Kaufmann)
BONITA SPRINGS, Fla. – Nakarinig ang mga nakaligtas sa Bagyong Ian mula sa FEMA at iba pang mga kasosyo sa ahensya tungkol sa mahalagang impormasyon sa pagbangong sa First Presbyterian Church. (FEMA larawan kuha ni Jocelyn Augustino)
CAPE CORAL, Fla. – Ang mga nakaligtas sa Bagyong Ian ay tumatanggap ng isa-sa-isang tulong mula sa mga espesyalista sa FEMA sa isang Sentro sa Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center). (FEMA larawan kuha ni Jocelyn Augustino)
FORT MYERS, Fla. – Isang espesyalista sa FEMA ang nagbibigay ng impormasyon sa mga miyembro ng United Haitian Church. (FEMA larawan kuha ni Chrissy Gonsalves)
FORT MYERS, Fla. – Nagbibigay ang mga Amerikanong Tagapagsalin ng Wika gamit ang Senyas (American Sign Language Interpreter) ng impormasyon sa pagbangon para sa mga Bingi at Hirap sa Pandinig (Deaf and Hard of Hearing) na mga miyembro ng komunidad sa isang kaganapan sa Fort Myers. (FEMA larawan kuha ni Austin Boone)
NAPLES, Fla. – Bumisita ang mga residente sa isang Sentro sa Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center) sa Collier County sa Veterans Community Park. Ang mga lokal, pang-estado at pederal na ahensya ay nasa lugar upang tulungan ang mga nakaligtas na apektado ng Bagyong Ian. (FEMA larawan kuha ni Jocelyn Augustino)
ENGLEWOOD, Fla. – Ang Sentro sa Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center) ay may mga kinatawan mula sa FEMA, State of Florida, SBA at iba pang ahensya upang tulungan ang mga nakaligtas sa kalamidad. (FEMA larawan kuha ni Jocelyn Augustino)
FORT MYERS, Fla. – Ang mga espesyalista sa FEMA ara sa Pagbawas ng Panganib (Hazard Mitigation) ay nakikipag-usap sa mga residente tungkol sa kung paano muling magtayo ng mas malakas na istruktura laban sa mga darating na bagyo. (FEMA larawan kuha ni Jocelyn Augustino)
###
Ang misyon ng FEMA ay ang tulungan ang mga tao bago, sa panahon, at pagkatapos ng mga sakuna.
Ang lahat ng tulong sa sakuna ng FEMA ay ipagkakaloob nang walang diskriminasyon sa mga batayan ng lahi, kulay, kasarian (kabilang ang sekswal na panliligalig), oryentasyong sekswal, relihiyon, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, limitadong kasanayan sa Ingles, katayuan sa ekonomiya. Kung naniniwala ka na ang iyong mga karapatang sibil ay nilalabag, maaari kang tumawag sa linya ng Civil Rights Resource sa 833-285-7448.