BRANDON, Fla. - Ang mga Sentro sa Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center) ay pansamantalang magsasara ngayong linggo bilang pag-iingat sa hinuhulaang masamang panahon.
Ngayong araw, Nobyembre 7, sarado ang mga sentro sa Fort Myers Beach, Pine Island, Orlando at North Port sa pagtatapos ng araw.
Sa Martes, Nobyembre 8, magsasara ang lahat ng iba pang sentro at mobile unit sa pagtatapos ng araw.
Ang mga Sentro ng Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Centers) ay muling magbubukas kapag pinahintulutan na ng panahon.
Para makahanap ng sentro na malapit sa iyo, mag-online sa: DRC Locator o floridadisaster.org, o i-text ang DRC kasama ang iyong zip code sa 43362.
Hindi kailangang bumisita sa isang sentro para mag-aplay. Ang mga nakaligtas sa sakuna ay maaaring mag-online sa disasterassistance.gov, gamitin ang FEMA mobile app o tumawag sa 800-621-3362. Bukas ang linya araw-araw mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. ET. Mayroong tulong sa halos lahat ng wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, tulad ng video relay (video relay service, VRS), teleponong may caption, o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon. Para makita ang isang accessible video tungkol sa kung paano mag-aplay, bumisita sa: Three Ways to Register for FEMA Disaster Assistance - YouTube