TALLAHASSEE – Sampung araw matapos ang deklarasyon ng malaking sakuna para sa Bagyong Ian sa Florida, inaprobahan ng FEMA ang $150 milyon bilang grant sa 101,705 pamilya para matulungan silang bumangon.
Maaaring kasama sa tulong sa sakuna ang pinansiyal na tulong na may pansamantalang tuluyan, pagkukumpuni ng bahay, at ang iba pang gastos may kaugnayan sa sakuna. Kasama sa grant ng FEMA ang $72 milyon bilang tulong sa pabahay at $78 milyon sa iba pang gastusin.
Ang National Flood Insurance Program (nakatanggap ang NFIP ng 31,000 claim mula sa mga policy holder sa florida at nakapagbigay ng $10 milyon bilang paunang bayad.
Ang U.S. Small Business Administration (SBA) ay nagpoproseso ng mga aplikasyon sa utang para sa sakuna at nag-aproba na ng $3.5.
Para makapag-apply sa tulong sa sakuna ng FEMA, magpunta online sa disasterassistance.gov, gamitin ang FEMA app para sa mga smartphone o tumawag sa 800-621-3362 mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. araw-araw. Available ang tulong sa halos lahat ng wika. Kung gumagamit ka ng relay service, gaya ng video relay service (serbisyo ng video relay, VRS), captioned telephone service o iba pa, ibigay sa FEMA ang numero ng serbisyong iyon.