Trenton, N.J. – Kung ikaw ay taga-New Jersey at ang iyong tahanan ay nasira ng bakas ng Bagyong Ida, nirerekomenda ng FEMA na ipasuri ang iyong pagpainit, bentilasyon, sistema ng air conditioning (HVAC), mga pugon, mga poso negro at/o mga balon kung naapektuhan ang mga ito.
Ikaw ay maaaring maging karapat-dapat para sa tulong-pinansyal sa ilalim ng Programa ng FEMA para sa mga Indibidwal at Pamamahay.
Ano ang mga uri ng tulong na makukuha?
- Para sa mga pribadong balon, sistema ng HVAC, pugon, at mga poso negro, ang FEMA ay maaaring magbigay ng tulong o pagsauli ng nagugol para sa gastos sa tantya ng isang propesyonal, lisensyadong tekniko para sa paggawa o pagpalit ng mga kagamitang ito.
- Ikaw ay maaari ring makatanggap ng tulong para sa mismong paggawa o pagpalit ng mga kagamitang ito na kadalasang hindi sakop ng seguro ng may-ari ng tahanan.
- Kung ikaw ay nag-apply para sa tulong ng FEMA at 14 na araw na ang nakalipas at hindi pa rin nainspeksyon ang iyong tahanan, tumawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362. Kapag nakakuha na ng inspeksyon, ipaalam sa inspektor ng FEMA na mayroon kang pribadong balon at/o poso negro na maaaring nasira ng bagyo. Kung ikaw ay nagrehistro at ang iyong tahanan ay nainspeksyon na, tumawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362 para sa mga tagubilin kung paano umapela. Bumisita sa https://go.usa.gov/xMnnm.
Ang bawat aplikante ay maaaring umapela sa desisyon ng FEMA. Ang mga apela ay dapat na isumite ng nakasulat sa loob ng 60 na araw mula sa petsa ng sulat ng FEMA para sa pagtukoy ng karapat-dapat. Basahing maigi ang sulat. Maaaring hindi ito ang huling sagot. Maaaring kailangan lang ng FEMA ng karagdagang impormasyon o dokumentasyon upang mapalakad ang iyong aplikasyon.