ANCHORAGE, Alaska – Ang mga aplikanteng nakatanggap ng hindi kanais-nais na sulat ng pagpasya (decision letter) mula sa FEMA pagkatapos magrehistro para sa pederal na tulong para sa Nob. 30 na lindol sa Alaska ay maaaring gumustong mag-apela. Ang lahat ay may karapatang mag-apela.
Dapat ingatan ng mga residente ang pagbasa nang kanilang mga sulat upang maunawaan ang pagpasya ng FEMA at ganap na malaman kung ano ang kailangan upang maka-apela. Maaaring karagdagang dokumento lang ang kailangan para tingnan muli ng FEMA ang isang aplikasyon o pagsisiyasat sa tahanan. Kung minsan, ang isang simpleng solusyon lang ay siyasatin ang katumpakan ng iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, at numero ng Panlipunang Seguridad (Social Security).
Ang mga residente ay maaaring magbigay ng sulat ng apela kung sa tingin nila ay mali ang halaga at uri ng tulong. Ang halaga ng pamigay (grant) ng FEMA ay iba-iba sapagkat iba-iba ang sitwasyon ng bawat aplikante. May isang polyeto (brochure) na tinatawag na “Help After a Disaster” na makukuha online sa www.fema.gov/help-after-disaster at ipinapaliwanag nito ang mga aksyon na dapat gawin ng aplikante.
Ang mga aplikante ay kinakailangan ding magsumite, sa pagsusulat sa tinta, ng sulat na nagpapaliwanag kung bakit dapat suriin muli ng FEMA ang napagpasyahan nito. Ang sulat ay dapat naglalaman ng:
- Buong pangalan ng aplikante
- Numero ng pagpaparehistro sa lahat ng pahina
- FEMA numero ng deklarasyon sa sakuna —DR-4413-AK—sa lahat ng pahina
- Tinatantiyang halaga ng kontratista para sa pagsasaayos ng bahay (kung naaangkop)
- Lagda ng aplikante
Rerepasuhin ng FEMA ang pasya nito sa ilang mga kaso kung ang aplikante ay:
- Maghaharap ng dokumento sa seguro. Magbigay ng dokumento mula sa kompanya ng seguro na nagdedetalye na ang kanilang saklaw o kasunduan (settlement) ay kulang upang gumawa ng mahalagang pagpapaayos ng bahay, magbigay ng matutuluyan, o magpalit ng tiyak na laman. Hindi kaya ng FEMA na gayahin ang benepisyo sa seguro ng may-ari ng bahay o umuupa.
- Magpapatunay ng paninirahan. Magbigay ng dokumentong nagpapatunay na ang nasirang bahay o ang inuupahan ay ang pangunahing tahanan sa pamamagitan ng pagbigay ng kopya ng bayarin sa utility, lisensya sa pagmamaneho o kasunduan sa pagpapaupa (lease.)
- Magpapatunay ng pagmamay-ari. Magbigay ng dokumento tulad ng mortgage (hulugan sa pagbili ng bahay) o dokumento sa seguro, resibo ng buwis o deed (kontrata). Kung walang nakahandang deed ang residente, dapat nilang tawagan ang lokal na opisyal upang makakuha ng kopya.
Para maka-suporta ng apela, ang dokumento ay maaaring magkaroon ng:
- tantiya ng kontratista para sa pagpapaayos ng bahay na dulot ng lindol (kung naaangkop)
- resibo para sa pagpapagawa o paglilinis
- iba pang katibayan ng pagkawala ng aplikante mula sa sakuna
Ang lahat ng dokumento at ang sulat ng pagpapa-apela ay maaaring dalhin sa pinakamalapit na lunsurang pagkakasauli dahil sa kapamahakan (disaster recovery center) (mga lokasyon ay nasa https://www.fema.gov/disaster-recovery-centers). Ang mga residente ay maaari ring magharap ng dokumento online sa DisasterAssistance.gov o mag-fax sila sa 800-827-8112, Attn: FEMA Appeals Officer.
Bagaman hindi makakatanggap ang FEMA ng apela at dokumento sa email, maaaring ikoreo ang apela sa loob ng 60 araw mula sa petsa ng sulat ng pagpasya. Kung maghaharap ng apela pagkatapos ng 60 araw, ilagay ang dahilan ng pagpapaliban.
Ikoreo ang apela sa:
FEMA National Processing Service Center
P.O. Box 10055
Hyattsville, MD 20782-7055
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagkakasauli mula sa sakuna (disaster recovery) sa Alaska’s, bumisita sa FEMA.gov/disaster/4413, Twitter.com/FEMARegion10 at Facebook.com/FEMA.