Ang Disaster Recovery Center o Sentro ng Pagbangon Mula sa Sakuna sa Gadsden County ay Magsasara sa ika-15 ng Pebrero

Release Date Release Number
R4-DR-4399-FL NR 089
Release Date:
Pebrero 13, 2019

TALLAHASSEE, Fla. – Ang sentro para sa pagbangon mula sa sakuna ng Estado/FEMA sa Gretna ay magsasara sa alas-6 ng gabi, Biyernes, ika-15 ng Pebrero. May tulong pa ring maaaring makuha sa pamamagitan ng telepono, online o sa pagbisita sa malapit na sentro.

 

Ang FEMA ay patuloy na magtratrabaho kaakbay ang estado at mga lokal na awtoridad sa Gadsden County sa gawaing pagbangon mula a Bagyong Michael.

 

Ang sentro ay nagbukas noong ika-24 ng Oktubre sa Old Gretna Elementary School, 706 Martin Luther King Jr Blvd., Gretna, FL 32332. Ang sentro ay tumulong sa mahigit sa 3,400 na mga bisita.

 

Ang mga nakaligtas mula sa Bagyong Michael ay maaaring magpatuloy na tumanggap ng mga kasagutan sa mga katanungan at alamin ang kalagayan ng kanilang mga aplikasyon sa FEMA sa pamamagitan ng pagbisita sa nalalabing apat na sentro. Ang mga lugar ng mga sentro ay maaaring mahanap online sa FEMA.gov/DRC.

 

Karamihan ng mga ganunding serbisyo ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pagpunta online sa DisasterAssistance.gov o sa pagtawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362 o 800-462-7585 (TTY) anumang oras mula 7 ng umaga hanggang 11 ng gabi, pitong araw sa isang linggo. Mayroong mga operator para sa iba’t ibang wika.

 

Ang FEMA ay nakikipag-ugnayan sa Estado ng Florida upang pagpasyahan kung saan ilulugar ang mga sentro ng pagbangon mula sa sakuna at kung hanggang kailan ito kakailanganin.

 

###

 

Misyon ng FEMA: Tulungan ang mga mamamayan bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna.

Para sa listahan ng mga abeylabol na mapagkukunan ng tulong para sa mga indibidwal at negosyong apektado ng Bagyong Michael, bumisita sa visit www.floridadisaster.org/info.

Para sa impormasyon tungkol sa pagbangon mula sa Bagyong Michael, bumisita sa www.fema.gov/tl/disaster/4399.

Sundin ang FEMA at ang Dibisyon ng Florida para sa Pamamahala ng Kagipitan sa Twitter sa @FEMARegion4 and @FLSERT. Maaari din bisitahin ang FEMA at ang mga Facebook peyg ng Dibisyon sa Facebook.com/FEMA and Facebook.com/FloridaSERT.

Tags:
Huling na-update