Tumulong sa mga Texans na Naapektuhan ng mga Bagyong Taglamig: Magbigay ng Dugo, Magbigay ng Pera

Release Date Release Number
005
Release Date:
February 24, 2021

DENTON, Texas – Ang mga bagyong taglamig noong isang linggo ay nagdulot ng kaguluhan sa mga komunidad sa buong Texas.

Upang masulit ang inyong mga kontribusyon, isaalang-alang ang mga paalalang ito para sa responsableng pagbibigay at pagboboluntaryo.

Ang pera ang pinakamahusay na paraan ng pagbibigay.  Ang mga pinansyal na kontribusyon sa mga kilalalang organisasyon ng pagtulong sa sakuna ang pinakamabilis, pinaka-angkop at pinakamabisang paraan ng pagbibigay.  Ang mga organisasyon na malapit sa sakuna ang makakaalam kung anong mga bagay at kung gaano karami ang mga pangangailangan, karaniwang bumibili ng malakihan na may mga diskuwento, at kung maaari, ay bumibili sa mga mangangalakal na lokal sa sakuna, na siyang susuporta sa pagbawi ng ekonomiya.

Ang mga kontribusyon na pera sa halip na mga hindi kinakailangang mga bagay na kontribusyon ay umiiwas sa mga masalimuot, higit na mahal at umuubos ng oras na proseso sa pagkoleta, pag-aayos, pag-iimpake, pagdala, at pamamahagi ng mga bagay.

Magboluntaryo sa mga kilalang organisasyon.  Maraming mga boluntaryong organisasyon ang may malaking karanasan sa pagtulong sa sakuna sa mga bahaging tulad ng pagsusuri ng mga pangangailangan, paglilinis, maramihang pagpapakain, maramihang pagbigay ng silong, pangunang lunas, pagpapayo sa krisis, pag-aayos ng bahay at marami pang ibang bahagi.

Upang makahanap ng isang listahan ng mga mapagkakatiwalaang organisasyon na maaaring mailagay ang iyong mapagbigay na kontribusyon na pera, mga donasyon at oras sa pinakamabuting paggamit, bumisita sa National Voluntary Organizations Active in Disaster.

Ang masidhing lamig, niyebe at yelo ay nagdulot ng pagkansela sa mga pagkolekta ng dugo sa buong bansa.  Hinihimok ng mga opisyales ang mga karapatdapat na mga tao na magbigay ng dugo upang makatulong sa pagbabalik-puno ng mga lalagyan— lalo na ang mga tao na may type O.  Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa pagbibigay ng dugo, bumisita sa https://www.redcrossblood.org/.

Ang kabuuang pagbawi ay matagal na panahon at nangangailangan ng suporta kahit matagal ng lumipas ang mga bagyo.  Ang pagbibigay ng dugo o kontribusyon ng pera ay magdudulot ng malaking pagkakaiba sa buhay ng isang tao at masusuportahan ang mga nangangailangang mga Texans.

Tags:
Huling na-update noong