Gamitin nang Ligtas ang mga Generator sa Bahay

Release Date:
October 2, 2022

Mga Panganib

  • Pagkalason sa carbon monoxide
  • Sunog
  • Pagkakuryente

Mga Tips sa Kaligtasan

  • Basahin ang mga tagubilin ng tagamanupaktura tungkol kung paano gagamitin ang generator.

 

  • Pagkalason sa carbon monoxide
    • Huwag ipagpalagay na ligtas ka. Ang carbon monoxide na mula sa mga generator ay walang kulay at walang amoy.
    • Huwag gumamit ng generator sa looban o sa mga espasyong bahaging nakasara kabilang ang mga tahanan, garahe at mga espasyong ginagapangan, kahit ang mga lugar na may bahagi lang na bentilasyon.
    • Huwag itong patakbuhin malapit sa mga nakabukas na pinto o bintana. Ang paggamit ng mga bentilador ay hindi makakapigil sa pagbuo ng carbon monoxide sa tahanan.
    • Maglagay ng mga de-bateryang alarm sa carbon monoxide sa loob ng iyong tahanan.
  • Pagkakuryente o electric shock
    • Laging ikonekta ang generator sa mga kasangkapang may pang-heavy duty na extension chord.
    • Ang direktang pagsaksak ng iyong generator sa iyong supply ng kuryente ay makakapagpataas ng boltahe o makakapagdulot ng biglaang pagbulusok sa mga linya ng kuryente sa labas at maaaring makapinsala o makakuryente sa walang kaalam-alam na lineman ng utilidad. Nilalampasan din nito ang ilang mga pamprotektang circuit device na nakakabit na sa bahay. Ang pagkonekta ng generator sa iyong tahanan ay maaaring magdulot ng biglaang pagbulusok ng kuryente na maaaring magresulta sa pinsala o kamatayan mo o ng iyong pamilya.
    • Kumuha ng kwalipikadong elektrisyan na magkakabit ng naaangkop na kagamitan alinsunod sa mga lokal na code sa kuryente at hilingin sa kumpanya ng iyong utilidad na maglagay ng naaangkop na power transfer switch.

 

  • Sunog
    • Panatiling nasa labas ang iyong generator at lagyan ng gasolina ang iyong generator sa labas.
    • Huwag mag-imbak ng gasolina para sa iyong generator sa loob ng iyong bahay.
    • Huwag mag-imbak ng gasolina malapit na kasangkapang gumagamit ng pampaningas, halimbawa ay isang kalan na ginagamitan ng gas.
    • Kung natapon ang gasolina o hindi naisara nang tama ang lalagyan, ang mga hindi nakikitang vapor mula sa gasolina ay maaaring kumalat sa sahig at mapaningas ng pilot light ng kasangkapan o sa pamamagitan ng mga arkong mula sa mga pindutan ng kuryente.
    • Bago lagyang muli ng gasolina ang generator, patayin ito at hayaan itong lumamig. Ang gasolina at iba pang mga nasusunog na likidong kumalat sa maiinit na bahagi ng makina ay maaaring magningas, at ang mga hindi nakikitang vapor mula sa gasolina ay maaaring kumalat sa sahig at mapaningas ng pilot light ng generator o sa pamamagitan ng mga arkong mula sa mga pindutan ng kuryente ng kasangkapan.

Mga sanggunian para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga generator at carbon monoxide:

  • Video tungkol sa kaligtasan sa generator na mula sa Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit )Centers for Disease Control and Prevention) at FEMA na kinabibilangan ng American Sign Language: youtube.com/watch?v=n7GIOzABRHA.
  • Impormasyon ng Kaligtasan sa Trabaho at Pangangasiwa sa Kalusugan (Occupational Safety and Health Administration) tungkol sa kung paano ligtas na gumamit ng mga mabibitbit na generator sa osha.gov/OshDoc/data_Hurricane_Facts/portable_generator_safety.pdf.
  • Video ng CDC tungkol sa carbon monoxide sa cdc.gov/co/ o tumawag sa 800-232-4636.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbangon ng Florida mula sa Bagyong Ian, bisitahin ang floridadisaster.org/info fema.gov/disaster/4673 Subaybayan ang FEMA sa Twitter sa FEMA Region 4 (@femaregion4) / Twitter at sa facebook.com/fema.

###

Tags:
Huling na-update noong