Ang Tulong sa Paglilipat ng FEMA ay maaaring makatulong sa mga may-ari ng bahay at nangungupahan na hindi makakabalik sa kanilang tahanan dahil nasira ito ng mga Bagyong Milton, Helene o Debby. Matapos makatanggap ng inspeksyon, ang isang aplikante ay maaaring makatanggap ng Tulong sa Paglilipat, at maaaring maging karapat-dapat na makatanggap ng Tulong sa Pag-upa.
Tulong sa Paglilipat
Ang Tulong sa Paglilipat ay pera upang makatulong sa agarang pangangailangan sa pabahay kung hindi ka makatira sa bahay mo pagkatapos ng bagyo. Maaaring gamitin ang pera na ito upang manatili sa isang hotel, kasama ang pamilya at mga kaibigan o para sa iba pang mga pagpipilian habang naghahanap ka ng pansamantalang pabahay.
Ang Tulong sa Paglilipatay isang beses na pagbabayad. Kung ginamit mo na ang iyong Tulong sa Paglilipat at mayroon ka pa ring mga pangangailangan sa pabahay, maaari kang humingi ng Tulong sa Pag-upa mula sa FEMA sa pamamagitan ng pagtawag sa FEMA sa 800-621-3362 o pagbisita sa Disaster Recovery Center.
Tulong sa Pag-upa
Ang Tulong sa Pag-upa ay makakatulong sa mga may-ari at nangungupahan na magbayad para sa isang lugar upang manirahan habang ginagawa ang pag-aayos o nakakita ng permanenteng pabahay.
Ang paunang maibibigay para sa Tulong sa Pag-upa ay maaaring sumaklaw nang hanggang dalawang buwan ng upa. Pagkatapos ng paunang pagbibigay, maaaring makipag-ugnayan ang mga aplikante sa FEMA at humiling ng Patuloy na Tulong sa Pag-upa.
Paano Mag-apply
Pumunta sa online sa DisasterAssistance.gov, gamitin ang FEMA App, bisitahin ang Disaster Recovery Center o tumawag sa 800-621-3362 anumang araw. Available ang mga operator ng maraming wika. Kung gumagamit ka ng isang relay service, teleponong may caption o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Kung pipiliin mong mag-apply sa pamamagitan ng telepono, mangyaring maunawaan na ang mga tawag sa helpline ng FEMA ay nakakaranas ng mga pagkaantala dahil sa pagtaas ng dami dahil sa maraming mga kamakailang sakuna.
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbawi sa Bagyong Milton, bisitahin ang fema.gov/disaster/4834. Para sa Bagyong Helene, bisitahin ang fema.gov/disaster/4828. Para sa Bagyong Debby, bisitahin ang fema.gov/disaster/4806. Sundan ang FEMA sa X sa x.com/femaregion4 o sa Facebook sa facebook.com/ fema.