Gabay sa Tulong ng FEMA para sa Iba pang Pangangailangan

Release Date:
Nobyembre 15, 2023

Ang programang Tulong ng FEMA para sa Iba pang Pangangailangan ay nag-aalok ng suportang pinansyal para sa mahahalagang pangangailangang may kaugnayan sa sakuna. Para sa mga nakaligtas sa mga wildfire noong Agosto 8 sa Maui, saklaw ng programa ang mga personal na gamit at gamit sa bahay.

Kung may pinsala o may mga nawala sa iyo dahil sa mga wildfire at hindi ka nakatanggap ng pera mula sa insurance o mga boluntaryong ahensya, ang programang ito ay maaaring magbigay ng suportang kailangan mo.

 

Uri ng Tulong

 

Hindi kailangan ng aplikasyon sa SBA:

 

  • Paglipat at Pagtatago ng mga Gamit: Kung ikaw ay nawalan ng tirahan at kailangan mong lumipat at magtago ng mga personal na gamit, makakatulong ang FEMA sa pagbabalik ng nagastos na maaaring sumaklaw sa gasolina, mga materyales sa pag-iimpake, bayarin sa pag-upa ng mga trak para sa paglipat, at gastos sa unit para sa pagtatago ng gamit.

 

  • Mga Medikal na Gastos at Gastos na may kinalaman sa Ngipin: Puwede kang makatanggap ng suportang pinansyal para sa mga gastos sa mga pinsala sa katawan, pagkakasakit o kawalang nauugnay sa sakuna. Kabilang dito ang pagpapalit ng iniresetang gamot, kagamitang may kinalaman sa ngipin at mga gastos na nauugnay sa mga pinsala o pagkawala ng gabay na hayop.

 

  • Mga Gastos sa Pag-aalaga ng Bata: Maaaring magbigay ang FEMA ng pagsaklaw sa pag-aalaga ng bata hanggang walong linggo. Kabilang dito ang mga bayarin sa pagpaparehistro at mga bayarin para sa kinakailangang medikal na dokumento.

 

  • Mga pangangailangan para sa kapansanan o pag-access at pag-function: Nag-aalok ang FEMA ng tulong pinansyal para sa accessibility na kabilang ang suporta para sa mga ramp, railing at iba pang modipikasyon upang matiyak na naa-access ang iyong tirahan.

 

  • Mga Gastos sa Burol: Makakatulong ang FEMA sa mga hindi inaasahang gastos na hindi saklaw ng insurance na nauugnay sa pagpanaw ng isang miyembro ng pamilya. Kasama roon ang tulong para sa mga gastos sa burol, libing o muling paglibing.

 

  • Iba’t ibang Bagay: Kung hindi napapailalim sa mga karaniwang kategorya ang iyong mga pangangailangan, maaaring makatulong pa rin ang FEMA. Ang mga pamimili pagkatapos ng sakuna gaya ng mga chainsaw, dehumidifier, smoke detector, generator at carbon monoxide detector ay maaaring maging kwalipikado para sa pagbabalik ng nagastos.

 

Kailangan ng aplikasyon sa SBA:

 

  • Depende sa uri ng tulong na iyong hinahanap, maaaring kinakailangang hakbang ang pagsagot sa aplikasyon sa pautang para sa sakuna mula sa Administrasyon ng Maliliit na Negosyo sa Estados Unidos (U.S. Small Business Administration).

 

  • Hindi ito nangangahulugan na kailangan mong tanggapin ang alok ng pautang, kung naaprubahan. Gayunpaman, sa pamamagitan ng pagsusumite ng aplikasyon sa SBA, maaaring maging available sa iyo ang iba pang tulong ng FEMA.

 

  • Tulong para sa Personal na Propyedad: Kung kinakailangang palitan ang mga personal na bagay tulad ng damit, gamit sa bahay o mga aklat sa paaralan, maaaring ibalik ng FEMA ang mga nagastos para rito.

 

  • Transportasyon: Kung nasira ang iyong pangunahing sasakyan sa mga wildfire, makakatulong ang FEMA sa pag-aayos o pagpapalit ng iyong sasakyan.

 

Para Mag-apply o Makipag-ugnayan sa FEMA

 

  • Upang mag-apply para sa tulong sa sakuna ng FEMA, bisitahin ang DisasterAssistance.gov; gamitin ang FEMA mobile app o tawagan ang Disaster Assistance Helpline sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng isang relay service, tulad ng Video Relay Service, captioned telephone service o iba pa, ibigay ang iyong numero sa FEMA para sa serbisyong iyon nang ikaw ay mag-aapply. Available ang mga helpline operator mula  1 a.m. hanggang 8 p.m., pitong araw sa isang linggo, at nakakapagsalita sila ng maraming wika. Pindutin ang 2 para sa Espanyol. Pindutin ang 3 para sa isang interpreter na nakakapagsalita ng iyong wika.

 

 

  • Maaari mo ring bisitahin ang anumang Center ng Pagbangon mula sa Sakuna para sa mga update tungkol sa iyong aplikasyon sa FEMA o mga sagot sa mga tanong. Maghanap ng center dito: DRC Locator (fema.gov).

 

Para Mag-apply o Makipag-ugnayan sa SBA

 

  • Ang mga aplikante ay maaaring mag-apply online, makatanggap ng karagdagang impormasyon tungkol sa tulong sa sakuna, at mag-download ng mga aplikasyon sa SBA sa https://www.sba.gov/hawaii-wildfires Maaari ring tumawag ang mga aplikante sa Customer Service Center ng SBA sa 800-659-2955 o mag-email sa  disastercustomerservice@sba.gov para sa higit pang impormasyon.
  • Para sa mga taong bingi, mahina ang pandinig, at suliranin sa pagsasalita, i-dial ang 711 para ma-access ang telecommunications relay services. Dapat ipadala ang mga nakumpletong aplikasyon sa U.S. Small Business Administration, Processing and Disbursement Center, 14925 Kingsport Road, Fort Worth, TX 76155.

 

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga pagsisikap para sa pagbangon mula sa wildfire sa Maui, bumisita sa mauicounty.gov, mauirecovers.org  at fema.gov/disaster/4724. I-follow ang FEMA sa social media: @FEMARegion9 at facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update