Executive Order 12898: Katarungang Pangkapaligiran

Isinasaalang-alang ng FEMA ang mga epekto ng katarungang pangkapaligiran ayon sa hinihingi ng Executive Order 12898.1 Ang executive order ay ang nagdidirekta sa mga pederal na ahensya na tukuyin at tugunan ang hindi katumbas na mataas at masamang epekto sa kalusugan ng tao o kapaligiran sa mga populasyon na mababa ang kita at minorya. Dapat isagawa ng mga pederal na ahensya ang kanilang mga programa, patakaran, at aktibidad na maaaring makaapekto nang malaki sa kalusugan ng tao o sa kapaligiran upang maiwasan ang pagbubukod ng mga tao o populasyon o upang maiwasang isailalim ang mga tao o populasyon sa diskriminasyon dahil sa kanilang lahi, kulay, o bansang pinagmulan.

May ginagampanang kritikal na tungkulin sa pagkamit ng katarungang pangkapaligiran ang mga Programa ng FEMA, aplikante, at subapplicant sa pamamagitan ng pagtukoy sa lalong madaling panahon kung mayroon bang mga populasyon na mababa ang kita at minorya sa loob ng apektadong kapaligiran ng mga iminungkahing proyekto. Kasama sa apektadong kapaligiran ang lahat ng pisikal na lokasyon ng saklaw ng trabaho, gayundin ang anumang mga staging area o ruta ng paghakot/pag-access, direkta, hindi direkta, at pinagsama-samang epekto, at anumang lugar sa labas ng agarang lugar ng proyekto na maaaring hindi direktang maapektuhan ng iminungkahing proyekto. Nagbibigay-daan ito sa pagsasaalang-alang ng hindi katumbas na mataas at masamang epekto sa kapaligiran at kalusugan ng tao sa maagang yugto ng pagbuo ng proyekto. Patuloy na binibigyang priyoridad ng FEMA ang pagbuo ng patnubay upang tulungan ang mga aplikante at subapplicant sa pagtugon sa katarungang pangkapaligiran sa kanilang disenyo at pagpapatupad ng proyekto.

Ginagamit ng FEMA ang kahulugan ng katarungang pangkapaligiran ng Ahensya ng Proteksyong Pangkapaligiran (Environmental Protection Agency, EPA): "ang patas na pagtrato at makabuluhang pakikilahok ng lahat ng tao anuman ang lahi, kulay, bansang pinagmulan, o kita kaugnay sa pagpapaunlad, implementasyon, at pagpapatupad ng mga batas, regulasyon, at patakaran sa kapaligiran. Makakamit ang [katarungang pangkapaligiran] kapag tinatamasa ng lahat ang parehong antas ng proteksyon laban sa mga panganib sa kapaligiran at kalusugan at pantay na pag-access sa proseso ng paggawa ng desisyon upang magkaroon ng malusog na kapaligiran para mabuhay, matuto, at magtrabaho."

1 Buong pamagat: Executive Order 12898, Mga Pederal na Pagkilos upang Tugunan ang Katarungang Pangkapaligiran sa Mga Populasyon ng Minorya at Populasyon na Mababa ang Kita (1994).

Mga Potensyal na Masasamang Epekto ayon sa Kategorya

Ang mga proyektong pinondohan ng FEMA na may mga sumusunod na uri ng mga epekto sa kalusugan ng tao at kapaligiran ay maaaring mag-trigger ng mga alalahanin sa katarungang pangkapaligiran:

  • Kalusugan at Kaligtasan (hal., mga mapanganib na pollutant sa hangin, amoy, sistema ng imburnal, ingay, o vibration)
  • Aesthetics (hal., mga visual impact)
  • Panlipunan (hal., mga isyu sa lokasyon; alalahanin tungkol sa pagkakapare-pareho sa paggamit ng lupa; relokasyon o paglilipat ng mga umiiral na komunidad; mga pagbabago sa accessibility at/o lokasyon ng mga pasilidad ng komunidad o serbisyong panlipunan; karagdagang trapiko; mga potensyal na epekto sa mga komunidad na nakikibahagi sa minimum na pagkonsumo ng isda, halaman, o wildlife)
  • Pang-ekonomiya (hal., mga proyektong nagbabago ng access sa mga oportunidad sa trabaho)

Mga Karaniwang Uri ng Proyekto na Pinondohan ng FEMA na Maaaring Magkaroon ng Mga Alalahanin sa Katarungang Pangkapaligiran

Ang Talahanayan 1 ay nagbibigay ng mga halimbawa ng mga karaniwang uri ng proyekto na pinondohan ng FEMA na maaaring mag-trigger ng mga pagsasaalang-alang sa katarungang pangkapaligiran sa disenyo ng proyekto upang mabawasan, mapagaan, o maiwasan ang hindi katumbas na mataas at masamang epekto sa mga komunidad na mababa ang kita at minorya. Dapat isaalang-alang ang lahat ng direkta, hindi direkta, at pinagsama-samang epekto mula sa iminungkahing proyekto, kabilang ang mga direktang nangyayari sa lugar ng proyekto at ang mga maaaring maalis pa.

Talahanayan 1: Mga Karaniwang Uri ng Proyekto na maaaring may Mga Alalahanin sa Katarungang Pangkapaligiran

Uri ng ProyektoPrograma ng FEMAPotensyal na Alalahanin sa Katarungang Pangkapaligiran
Paghakot ng mga nagkalat na piraso (debris)Pampublikong TulongAng ruta ng paghakot ay tumatakbo nang hindi katumbas sa pamamagitan ng komunidad na mababa ang kita o minorya
Pagsunog ng mga nagkalat na pirasoPampublikong Tulong, Tulong para Mabawasan ang PanganibAng pagsunog ng mga nagkalat na piraso ay isinasagawa nang hindi katumbas sa o salungat sa daloy ng hangin sa komunidad na mababa ang kita o minorya.
Pag-aayos ng kalsada o pagbabawas ng mga bagay na mapanganibPampublikong Tulong, Tulong para Mabawasan ang Panganib

Pagsasara ng mga kalsada na naglilihis ng trapiko sa karamihan sa (mga) kapitbahayan na mababa ang kita o minorya

 

 

 

 

                    

Paglipat ng mga pampublikong pasilidad (hal., mga ospital, istasyon ng bumbero, at parke)Pampublikong Tulong, Tulong para Mabawasan ang PanganibMga hindi katumbas na pagbabago sa mga epekto sa kapaligiran at kalusugan mula sa mga inilipat na pasilidad (tulad ng mga kontaminadong site o nililimitahan ang available na greenspace) o pagbaba sa accessibility ng mga inilipat na pasilidad
Pagsara, paglipat, o pagsasama-sama ng pabahay, mga oportunidad sa trabaho, pampublikong paaralanPampublikong Tulong, Tulong para Mabawasan ang PanganibKung saan ang isasagawa ang paglilipat papunta sa lugar na may hindi katumbas na mataas na panganib sa kapaligiran at kalusugan ng tao (tulad ng mga kontaminadong lugar, o lugar na may mga isyu sa kalidad ng hangin), o pagbaba ng accessibility ng mga inilipat na pasilidad
Mga Alternatibo/Pinahusay na Proyekto at Bagong Pagtatayo ng Gusali, Muling Pagtatayo ng Gusali para Mabawasan ang Panganib, Pagtatayo ng Mga Bagong Communication TowerPampublikong Tulong, Tulong para Mabawasan ang Panganib, Directorate ng Mga Programang Kaloob, Programang Kaloob para sa Mga Dam na Mataas ang Potensyal na maging Mapanganib (High Hazard Potential Dams, HHPD Grant Program)Hindi katumbas ng negatibong epekto sa kapaligiran at kalusugan mula sa mga bago o pinahusay na pasilidad
Mga lokasyon ng site ng pansamantalang pabahay o permanenteng pagtatayo ng pabahayTulong para sa IndibidwalLokasyon sa isang lugar na may kasalukuyang hindi katumbas at masamang pangkapaligirang panganib sa kalusugan ng kapaligiran, sapilitang paglipat/pagkawala ng tirahan
Pagbawas sa panganib ng bahaTulong para Mabawasan ang PanganibPagbabago ng direksyon ng tubig-baha na hindi katumbas na nakakaapekto sa mga komunidad na mababa ang kita o minorya

Kung matukoy ng FEMA na ang iminungkahing proyekto ay magkakaroon ng hindi katumbas na mataas at masamang epekto sa populasyon ng minorya o mababa ang kita, makikipagtulungan ang FEMA sa aplikante o subapplicant upang baguhin ang saklaw ng trabaho para mabawasan ang mga epekto. Dagdag pa rito, maaaring makipagtulungan ang FEMA sa mga aplikante at subapplicant upang humingi ng pampublikong input sa iminungkahing proyekto para sa proseso ng mas matalinong paggawa ng desisyon.

Isinasagawang Mga Pagsasaalang-alang sa Katarungang Pangkapaligiran

Ang isang halimbawa ng uri ng proyekto na may mga kumplikadong katarungang pangkapaligiran ay ang paghakot ng mga nagkalat na piraso mula sa mga lugar ng sakuna. Pagkatapos ng 2018 Camp Fire Disaster sa California, kinumpirma ng Programang Pampublikong Tulong kasama ang team ng Pangkapaligiran at Pangkasaysayang Preserbasyon (Environmental and Historic Preservation team) na ang iminungkahing ruta ng trak para sa staging area ng mga nagkalat na piraso ay dadaan sa karamihan sa mga kapitbahayan na mababa ang kita. Kinonsulta ng team ng Pampublikong Tulong ang aplikante at subapplicant, at tumulong sa pagpili ng alternatibong lugar para sa staging site na puwedeng ma-access sa pamamagitan ng maraming ruta ng trak. Binabawasan nito ang hindi katumbas na masamang epekto sa kalusugan ng tao (hal., trapiko, ingay, at polusyon) sa populasyon na mababa ang kita.

Pagsunod ng FEMA sa Katarungang Pangkapaligiran

Sumusunod ang FEMA sa Executive Order 12898 sa pamamagitan ng pagsusuri sa iminungkahing proyekto upang matukoy ang pagkakaroon ng mga populasyon na mababa ang kita at/o minorya na maaaring maapektuhan ng proyekto. Pagkatapos ay sinusuri ng FEMA kung ang mga populasyon/komunidad na iyon ay magkakaroon ng anumang hindi katumbas na mataas at masamang epekto sa kalusugan ng tao o kapaligiran mula sa pagpapatupad ng proyekto. 

Kung matukoy ng FEMA na ang iminungkahing proyekto ay puwedeng magdulot ng hindi katumbas na mataas at masamang epekto para sa mga populasyon na mababa ang kita o minorya, ang FEMA ay DAPAT

  • Isaalang-alang ang mga hakbang upang mabawasan, mapagaan, o maiwasan ang mga epektong iyon
  • Makipag-ugnayan sa mga potensyal na apektadong komunidad sa buong pagsusuri, kabilang ang pagtukoy ng mga potensyal na epekto at mga hakbang sa para mabawasan ang panganib
  • Subaybayan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mga komunidad

Maaaring makipag-ugnayan ang FEMA sa ibang ahensyang pederal, estado, lokal, pantribo, teritoryal na pamahalaan, at pangkalahatang publiko upang makatanggap ng input sa mga iminungkahing proyektong pinondohan ng FEMA.

Ang Tanggapan ng Pangkapaligirang Pagpaplano at Pangkasaysayang Preserbasyon (Office of Environmental Planning and Historic Preservation, OEHP) at Tanggapan ng Pantay-Pantay na Karapatan (Office of Equal Rights, OER) ng FEMA ay nagbibigay ng teknikal na tulong at patnubay sa mga bahagi ng FEMA at mga tanggapan ng programa at iba pang stakeholder hinggil sa katarungang pangkapaligiran upang matiyak ang pagtukoy at pagtugon, kung naaangkop, sa hindi katumbas na mataas at masamang epekto sa kalusugan ng tao o kapaligiran ng FEMA at ng mga programa, patakaran, at aktibidad na pinondohan ng FEMA sa mga populasyon ng minorya at mababa ang kita. Kung sakaling mayroong reklamo tungkol sa katarungang pangkapaligiran na nagsasabing ang isang proyektong pinondohan ng FEMA ay lumalabag sa pederal na batas para sa karapatang sibil, ipoproseso at lulutasin ng OER ang reklamo. Matatagpuan ang higit pang impormasyon tungkol sa Tanggapan ng Pantay-Pantay na Karapatan (Office of Equal Rights) sa https://www.fema.gov/about/offices/equal-rights/civil-rights.

Mga Kasangkapan at Mapagkukunan ng Katarungang Pangkapaligiran

Ang kasamang Memorandum ng Pangulosa Executive Order 12898 ay inaatasan din ang mga pederal na ahensya na tiyaking ang lahat ng programa o aktibidad na tumatanggap ng pederal na tulong pinansyal na nakakaapekto sa kalusugan ng tao o sa kapaligiran ay hindi direkta, o sa pamamagitan ng kontrata. o iba pang pagsasaayos, paggamit ng pamantayan, pamamaraan, o gawi na nagpapakita ng diskriminasyon batay sa lahi, kulay, o bansang pinagmulan, alinsunod sa Pamagat VI ng Civil Rights Act of 1964.

Mula nang manungkulan noong Enero 2021, naglabas ang Administrasyong Biden-Harris ng Mga Executive Order 13985, 14008, at 14096 upang higit na tugunan ang pangangailangang makamit ang katarungan at pagkakapantay-pantay sa kapaligiran sa buong pederal na pamahalaan. Inaatasan ng mga bagong executive order na ito ang mga pederal na ahensya na i-renew ang kanilang lakas, pagsisikap, mapagkukunan, at atensyon para makamit ang katarungang pangkapaligiran at bigyang-diin ang pangako ng administrasyon para sa katarungang pangkapaligiran.

Upang matuto pa tungkol sa katarungang pangkapaligiran, bisitahin ang mga sumusunod na website:

Website ng Katarungang Pangkapaligiran ng Ahensya ng Proteksyong Pangkapaligiran (Environmental Protection Agency): https://www.epa.gov/environmentaljustice

  • Ang Tanggapan ng Katarungang Pangkapaligiran ng EPA ay nag-uugnay sa mga pagsisikap ng Ahensiya na tugunan ang mga pangangailangan ng mga mahihinang populasyon sa pamamagitan ng pagpapababa ng mga pasanin sa kapaligiran, pagpapataas ng mga benepisyo sa kapaligiran, at pakikipagtulungan upang bumuo ng mga malusog na sustainable na komunidad.
  • Katarungang Pangkapaligiran 2020 Glossary ng Ahensya ng Proteksyong Pangkapaligiran (Environmental Protection Agency):
    https://www.epa.gov/environmentaljustice/ej-2020-glossary
  • Glossary ng mga tuntunin ng Katarungang Pangkapaligiran

Screen ng Katarungang Pangkapaligiran: EJSCREEN: https://www.epa.gov/ejscreen

  • Mapping at screening tool ng katarungang pangkapaligiran para sa Social Vulnerability Index ng Ahensya ng Proteksyong Pangkapaligiran: https://www.atsdr.cdc.gov/placeandhealth/svi/index.html
  • Mapping tool ng Census Data ng Mga Center para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit upang matukoy ang kahinaang panlipunan ng bawat census tract
Tags:
Huling na-update noong