CHICAGO – Nag-aalok ang FEMA ng iba't ibang uri ng tulong sa mga taong naapektuhan ng malalakas na bagyo, buhawi, malalakas na hangin, at pagbaha noong Hulyo 13 - 16, 2024. Ang mga may-ari ng bahay at nangungupahan sa mga county ng Cook, Fulton, Henry, St. Clair, Washington, Will, at Winnebago na nakaranas ng pinsala ay hinihikayat na mag-apply.
Ang FEMA ay maaaring magbigay ng pera sa mga karapat-dapat na aplikante para sa tulong sa mga seryosong pangangailangan, pagbabayad para sa isang pansamantalang tirahan, pagkukumpuni ng bahay at iba pang mga pangangailangan na hindi sakop ng seguro. Ang tulong mula sa FEMA ay limitado lamang sa pangunahing tahanan, o sa lugar kung saan ka nakatira ng higit sa anim na buwan sa isang taon. Ang mga pangalawang tahanan, bahay bakasyunan, o mga bahay na ginagamit bilang paupahang bakasyunan ay hindi kwalipikado para sa tulong mula sa FEMA.
Ang perang ibinibigay ng FEMA ay hindi kailangang bayaran at maaaring kabilang ang:
- Malubhang Pangangailangan: Pera para sa mga kagamitan na nakapagliligtas-buhay at sumusuporta sa pang-araw-araw na pamumuhay, kabilang ang tubig, pagkain, paunang lunas, mga reseta, pormulang pangsanggol, mga gamit sa pagpapasuso, diaper, mga nagagamit na medikal na suplay, matibay na kagamitang medikal, mga gamit sa personal na kalinisan, at panggatong para sa transportasyon.
- Pagkalipat: Pera upang makatulong sa mga pangangailangan sa pabahay kung hindi ka makakabalik sa iyong tahanan dahil sa kalamidad. Maaaring gamitin ang pera upang manatili sa isang hotel, kasama ang pamilya at mga kaibigan o iba pang mga opsyon habang naghahanap ka ng paupahang yunit.
- Pagkukumpuni o Pagpapalit ng Bahay: Pera upang matulungan kang kumpunihin o palitan ang iyong bahay na nasira ng kalamidad. Ang pera ay maaari ring makatulong sa mga naunang sira sa iyong bahay na lalo pang nasira ng kalamidad.
- Tulong sa Pag-upa: Pera na magagamit mo sa pag-upa ng pabahay kung ikaw ay lumikas sa iyong tahanan dahil sa kalamidad.
- Ari-arian ng Personal: Pera upang makatulong sa iyo na kumpunihin o palitan ang mga gamit, muwebles sa kwarto, at personal o pampamilyang kompyuter na nasira dahil sa kalamidad. Maaari rin itong magsama ng pera para sa mga libro, uniporme, kagamitan, karagdagang mga kompyuter at iba pang mga bagay na kinakailangan para sa paaralan o trabaho, kabilang ang sariling pagtatrabaho.
- Pag-aalaga ng Bata: Pera upang makatulong sa iyo na bayaran ang mas mataas o dagdag na gastos sa pag-aalaga ng bata dulot ng kalamidad.
- Transportasyon: Pera para tulungan kang ayusin o palitan ang isang sasakyan na nasira ng kalamidad kapag wala kang ibang sasakyan na magagamit.
- Gastos sa Paglipat at Pag-iimbak: Pera upang makatulong sa iyo na ilipat at iimbak ang mga personal na ari-arian mula sa iyong tahanan upang maiwasan ang karagdagang pinsala.
Mag-apply para sa Tulong sa Sakuna
Kung mayroon kang seguro, dapat kang maghain ng claim sa lalong madaling panahon. Hindi puwedeng doblehin ng FEMA ang mga benepisyong saklaw ng insurance. Kung hindi saklaw ng policy mo ang lahat ng gastos mo sa sakuna, posibleng kuwalipikado ka sa tulong ng gobberyno.
Upang mag-aplay para sa tulong sa kalamidad ng FEMA, maaari kang mag-online sa DisasterAssistance.gov, i-download ang FEMA App para sa mga mobile device, o tumawag sa toll-free 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, tulad ng video relay (video relay service, VRS), teleponong may caption, o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon.
Maaari ka ring mag-apply online para sa mga pautang na may mababang interes para sa kalamidad mula sa U.S. Small Business Administration. Ito ay available para sa mga may-ari ng bahay, nangungupahan, mga negosyo, at mga nonprofit na organisasyon at maaaring magbigay ng pondo para sa mga pangangailangan na hindi natutugunan ng mga grant mula sa FEMA o mga bayad sa seguro. Mag-apply para sa mga pautang na ito online sa SBA.gov/disaster.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa operasyon sa pagpapagaling ng kalamidad sa Illinois, bisitahin ang www.fema.gov/disaster/4819.