Dalawang Linggo na lang ang Natitira upang Mag-apply para sa Tulong ng FEMA para sa Bagyo noong Setyembre 2023

Release Date Release Number
NR 018
Release Date:
January 25, 2024

CHICAGO — Ang mga may-ari at umuupa sa Cook County na naapektuhan ng matinding bagyo at pagbaha noong Setyembre 17-18 ay may hanggang Biyernes, Pebrero 9 upang mag-apply para sa tulong ng FEMA. Ang Pebrero 9 ay ang huling araw din para bumisita sa isang Sentro sa Pagbawi sa Sakuna. Higit sa $38 milyon ang naaprubahan na upang matulungan ang mga nakaligtas na makabawi. 

Mag-apply gamit ang isa sa apat na paraan:

  • Bisitahin ang DisasterAssistance.gov.
  • Gamitin ang mobile app ng FEMA
  • Tumawag sa linya ng tulong ng FEMA sa 800-621-3362. Maaaring makakuha ng multilinggwal na operator. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. 
  • Bumisita sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna. Ang mga sentro ay nagsisilbing one-stop shop (lugar na tumutugon sa ma para sa mga nakaligtas na nangangailangan ng isa-sa-isang tulong. Ang mga nakaligtas ay maaaring bumisita sa anumang sentro para sa tulong. Upang makahanap ng mga lokasyon ng sentro at kasalukuyang oras, bisitahin ang FEMA.gov/DRC.

Ang misyon ng FEMA ay ang pagtulong sa mga tao bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna. Mananatili ang FEMA sa Illinois upang matulungan ang mga nakaligtas kahit na lumipas ang huling araw ng aplikasyon. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagbawi ng Cook County, bisitahin ang www.fema.gov/disaster/4749

                                                                               ###                                                               

Ang tulong sa pagbawi mula sa sakuna ay makukuha nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan. Ang makatwirang akomodasyon, kabilang ang pagsasalin ng wika at mga tagapagsalin ng American Sign Language (Wikang Pasenysa ng Amerika) ay magagamit upang matiyak ang epektibong komunikasyon sa mga aplikante na may limitadong kasanayan sa Ingles, kapansanan, at mga pangangailangan sa pag-access at pagpapaandar. Kung ikaw o isang taong kilala mo ay may diskriminasyon, tumawag sa FEMA nang libreng-toll sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.

 

Tags:
Huling na-update noong