Ang County ng Pinellas ay Kwalipikado para sa Tulong ng FEMA

Release Date Release Number
005
Release Date:
September 3, 2023

ATLANTA – Ang mga may-ari ng bahay at umuupa na nagtamo ng pagkawala mula sa Bagyong Idalia sa County ng Pinellas ay maaaring mag-apply para sa Tulong Pang-Indibidwal ng FEMA.

Ang County ng Pinellas ay sumali sa county ng Citrus, Columbia, Dixie, Gilchrist, Hamilton, Hernando, Jefferson, Lafayette, Levy, Madison, Pasco, Suwannee at Taylor, na inapruba kamakailan para sa Tulong Pang-Indibidwal.

Upang makaapply para sa tulong sa sakuna ng FEMA, pumunta sa online Sa DisasterAssistance.gov, gamitin ang FEMA app para sa mga smartphone o tumawag sa 800-621-3362. Maaaring makakuha ng tulong sa karamihan ng mga wika. Kung gumagamit ka n serbisyo ng relay sa bidyo (VRS), serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Bukas ang mga linya mula 7 n.u. hanggang 11 n.g. sa lokal na oras, araw-araw.

Ang tulong sa sakuna ay maaaring magsama ng pinansyal na tulong para sa pansamantalang tuluyan, pangunahing pagpapagawa ng bahay at iba pang gasto na may kaugnayan sa sakuna.

Para sa karagdagang impormasyon sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bumisita sa floridadisaster.org/updates/at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X, dating kilala bilang Twitter, sa twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update noong