TALLAHASSEE – Ang mga may-ari ng tahanan at nangungupahan sa mga county ng Brevard, Hendry, Monroe at Okeechobee ay kwalipikado na ngayong mag-apply para sa tulong sa indibidwal ng FEMA sa ilalim ng pagsusog sa deklarasyon sa malaking sakuna para sa Florida pagkatapos ng Hurricane Ian.
Dagdag dito, ang mga county ng Glades at Okeechobee ay inaprubahan para sa Pampublikong Tulong para sa pag-aalis ng kalat at dumi at pagkukumpuni o pagpapalit ng mga pampublikong pasilidad na napinsala ng sakuna. Dating inaprubahan ang mga iyon para sa mga pang-emergency na serbisyo sa proteksyon.
Para mag-apply para sa tulong sa sakuna ng FEMA, mag-online sa DisasterAssistance.gov, gamitin ang
FEMA app para sa mga smartphone o tumawag sa 800-621-3362. Available ang tulong sa halos lahat ng wika. Kung gumagamit ka ng relay service, gaya ng video relay service (serbisyo ng video relay, VRS), captioned telephone service o iba pa, ibigay sa FEMA ang numero ng serbisyong iyon. Bukas ang mga linya mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. sa lokal na oras, pitong araw sa isang linggo.
Kung mayroon kang insurance bilang may-ari ng bahay, ng nangungupahan o ng baha, dapat kang maghain ng claim sa lalong madaling panahon. Hindi puwedeng doblehin ng FEMA ang mga benepisyong saklaw ng insurance. Kung hindi saklaw ng policy mo ang lahat ng gastos mo sa sakuna, posibleng kuwalipikado ka sa tulong ng gobberyno.
Maaaring kasama sa tulong sa sakuna ang pinansyal na tulong para sa pansamantalang tuluyan at pagkukumpuni ng bahay, pati na ang iba pang gastos may kaugnayan sa sakuna.