Magsasara ang Sentro ng Pagbawi ng FEMA sa County ng Warren; Natitirang DRC Magbabawas ng Oras ng Operasyon

Release Date Release Number
NR 019
Release Date:
Oktubre 4, 2021

TRENTON, N.J.  Habang kumikilos ang mga nakaligtas sa proseso ng pagbawi, ang tulong as isang tawag, isang click ng mouse o pagpindot sa app ng FEMA lang. Ang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna sa County ng Warren ay permanenteng magsasara sa Biyernes, Okt. 8 ng 5 ng hapon.

Ang County ng Warren ay matatagpuan sa Munisipal na Gusali sa Sambayanan ng Franklin, 2093 Route 57, Broadway, NJ 08808.

Simula ngayong araw, Okt. 4, ang mga DRC ay magbabawas ng kanilang oras sa weekday (karaniwang araw) at magsasara ng 5 ng hapon.

Bilang karagdagan, simula Okt. 10, ang lahat ng DRC ay magsasara ng Linggo.

Habang ang lugar na ito ay magsasara, ang harap-harapang pagtulong ay makukuha pa rin. Ang mga nakaligtas ay makakahanap sa kanilang pinakamalapit na DRC sa online sa fema.gov/drc, o mag-text sa DRC at kanilang kasalukuyang zip code sa 43362. Mag-aapply ang mga halaga sa pamantayan sa pag-text at tawag.

Makakakuha Pa Rin ng Tulong

Maaari pa ring makuha ng mga nakaligtas sa sakuna ang kanilang impormasyon sa sakuna at tulong sa mga paraang ito: online sa DisasterAssistance.gov; pagtawag sa 800-621-3362; (TTY:800-462-7585); o pag-download ng FEMA app na makukuha sa mga smart phone. Ang mga nakaligtas sa sakuna na bingi, may kapansanan sa pagsasalita o pandinig at gumagamit ng TTY ay maaaring tumawag sa 800-462-7585. Ang mga telepono linyang toll-free ay kasalukuyang bukas 24 oras, araw-araw. Kung ikaw ay gumagamit ng serbisyo na relay, tulad ng video relay service (VRS), serbisyong captioned telephone at iba pa, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon. Mayroon ding mga operator na sa iba’t ibang wika. Ang huling araw para mag-apply ng tulong sa sakuna ay sa Nob. 4, 2021.

Para sa pinakabagong impormasyon bumisita sa fema.gov/disaster/4614. Sundan ang Twitter account ng Rehiyon 2 ng FEMA sa twitter.com/FEMAregion2.

Tags:
Huling na-update