Grupo ng FEMA DSA Tumutulong sa mga Nakaligtas sa Bagyong Ida sa New Jersey

Release Date Release Number
013
Release Date:
September 21, 2021

Trenton, NJ – Ang grupo ng FEMA Disaster Survivor Assistance (tulong pangsakuna para sa nasalanta ng kalamidad) ay tumutulong sa mga nakaligtas na mamamayan ng county ng New Jersey na nasalanta ng Bagyong Ida. Ang mga grupong ito ang tumutulong sa mga nasalantang makarehistro para sa tulong pam-pederal, makita ang posibleng pangangailangan at gumawa ng mga ugnayan sa lokal, estado, pederal at mga boluntaryong ahensyang may kakayahan na tumulong sa mga ito.

Ang mga grupong DSA ay nagbibigay sa mga nakaligtas ng paraan para makakuha at makadulog para sa tulong pangsakuna.

Sila ay nagtatrabaho sa mga “fixed” na lugar tulad ng sentrong komunidad, mga silid-aklatan, mga paradahang may bubong, atbp. Ang mga grupo ay sumusunod sa mga patakarang pangkaligtasan ng CDC para sa Covid-19 kasama dito ang social distancing (pagpapanatili ng pagitan mula sa kapwa-tao) at mga kagamitan paproteksyon. Ang mga lokasyon ay pinapasyahan ng mga lokal na opisyal at malapit sa mga lugar na lubhang nasalanta.

Tumutulong ang DSA sa mga nakaligtas sa iba’t ibang paraan:

  • Magsagawa ng mga pag-abot tulong sa mga nakatalagang lalawigan ng Bergen, Essex, Gloucester, Hudson, Hunterdon, Mercer, Middlesex, Morris, Passaic, Somerset, Union, at Warren.
  • Umalalay sa mga nakaligtas upang makapagrehistro para sa tulong ng FEMA.
  • Suriin ang kalagayan ng mga aplikasyon na nakalagay na sa Sistema at maaaring gumawa ng mga maliit na pagbabago sa aplikasyon.
  • Hiyakatin ang mga grupong relihiyon, grupong pangkomunidad, pribadong sector (mga negosyo) at mga pampublikong silid-aklatan na may kakayahan na mamahagi ng mga impormasyon tungkol sa sakuna para sa mga nasalanta sa mga naapektuhang lalawigan.
  • Kilalanin ang mga samahan na nagbibigay ng serbisyong pangsakuna at/o mga mapagkukunan para sa pangkalahatang publiko para sa agaran at pangmatagalang pagbawi.
  • Magtipon ng kamalayang pang-sitwasyon ukol sa epekto sa mga komunidad.
  • Mamahagi ng mga pampleta sa Ingles, Espanyol and siyam na iba pang wika na nagpapaliwanag kung paano dumulog ng tulong pang-sakuna.
  • Magbigay ng karapatang sibil at impormasyon para sa kabuuang tulong pang-may kapansanan upang siguraduhin na patas makagamit.

Ang impormasyong ibinigay ng mga grupo ay batay sa indibidwal na pangangailangan ng mga nakaligtas at maaaring magkaroon ng mga impormasyon ukol sa paggawi ng mga pansalamantalang pag-ayos sa mga nasalantang bahay, pagbayad para sa pansamantalang matutuluyan habang isinasagawa ang permaneteng pag-ayos at/o tulong para sa mga malubhang pangagailangan dulot ng sakuna na hindi sakop ng ibang mga programa.  

Ang mga grupong DSA ay hindi kailanman hihingin ang personal na impormasyon ng mga nakaligtas. Madaling kilalanin ang mga miyembro ng DSA sa pamamagitan ng kanilang mga pederal na litrato ng pagkakilanlan at damit FEMA. Ang mga residente ng New Jersey ay pinaaalalahanan na humingi ng opisyal na litrato ng pagkakilanlan bago magbigay ng personal na impormasyon.

Ang mga empleyado ng FEMA ay hindi hihingi o tatanggap ng pera mula sa mga nakaligtas sa sakuna. Ang mga tauhan ng FEMA ay hindi maniningil sa mga aplikante para sa tulong sa sakuna, mga inspeksyon o tulong para sa pagrehistro.

Ang mga nakaligtas ay hindi kinakailangan na tumawag sa isang myembro ng DSA upang makapagrehistro para sa FEMA. Ang mga residente na nakaranas ng matinding pinsala o pagkawala dulot ng Bagyong Ida ay maaaring magrehistro sa FEMA sa mga sumusunod na paraan:

  • Kung hindi maaaring makapag-apply online, tumawag sa 800-621-3362 (TTY: 800-462-7585). Ang mga toll-free (walang singil) na teleponong linya ay bukas ng 24-oras kada araw, araw-araw. Mayroong mga operator na Multi-lingual (makakapag-salita ng sari-saring wika). Kung ikaw ay gagamit ng serbisyong relay, tulad ng video relay service (VRS), captioned telephone service at iba pa, ipagbigay-alam sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon.

Sa pamamagitan ng pagrehistro sa FEMA, ang mga nakaligtas ay maaaring maging kwalipikado para sa pederal na Gawad upang mabayaran ang mga mahalagang pag-ayos ng bahay o pamalit o pag-upa ng pansamantalang tirahan. Sa karagdagan, maaaring makakuha ng tulong upang mabayaran ang iba pang mga pangangailangan na dulot ng sakuna, gaya ng medikal, dental, transportasyon at gastusin sa libing, mga bayad para sa paglipat at pag-imbak, kawalan ng personal na pag-aari at pangagalaga sa bata, na hindi sakop ng seguro (insurance).

Ang pagrehistro sa FEMA ay isa ring unang hakbang upang magkwalipika para sa tulong mula sa U.S. Small Business Administration. Mayroong makukuhang pautang na may mababang-interes para sa sakuna mula sa SBA para sa mga negosyong iba’t ibang laki (kasama ang mga nagpapaupa), may-ari ng bahay, umuupa at mga pribadong non-profit na organisasyon upang punan ang mga kawalan na hindi kumpletong-sakop ng seguro. Ang mga pautang pang-sakuna na may mababang interes ay tutulong na pondohan ang mga pagpaayos o mga muling pagpapatayo at sakupin ang gastos sa pagpalit ng mga nawala o nasirang kagamitang real estate o personal.

Para sa pinakabagong impormasyon, bumisita sa fema.gov/disaster/4614. Sundan ang FEMA Region 2 Twitter account sa twitter.com/FEMAregion2.

Tags:
Huling na-update noong