Ang mga Nakaligtas sa Bagyong Taglamig sa Texas sa 31 Karagdagang mga Lalawigan Ay Maaaring Mag-aplay para sa Tulong Pederal sa Sakuna

Release Date Release Number
DR-4586-TX-NR-003
Release Date:
February 23, 2021

DENTON, Texas – Ang mga may-ari ng bahay at mga nangungupahan sa 31 karagdagang lalawigan sa Texas na nagtamo ng pinsala mula sa bagyong taglamig na sumalanta kamakailan sa Texas ay maaari na ngayong mag-aplay ng tulong sa sakuna sa FEMA. 

Kung mayroon kang seguro at nag-aaplay ka ng tulong sa sakuna, kailangan mo ring magsampa ng kahilingan sa iyong kumpanya ng seguro sa pinakamaagang pagkakataon.  Ayon sa batas, hindi maaaring doblehin ng FEMA ang mga benepisyo para sa mga nawala na sakop ng seguro.  Kung hindi sasakupin ng seguro ang lahat ng iyong pinsala, maaari kang maging karapatdapat para sa tulong pederal.

Ang pinakamabilis ant pinakamadaling paraan para mag-aplay ay sa pagbisita sa www.disasterassistance.gov.

Kung hindi maaaring magparehistro sa online, tumawag sa 800-621-3362 (TTY: 800-462-7585).  Ang toll-free na mga linya ng telepono ay bukas mula 8 n.u. hanggang 10 n.g. CDT, pitong araw sa isang linggo.  Ang mga gumagamit ng isang relay service gaya ng isang videophone, Innocaption o CapTel ay kailangang magsabi sa FEMA ng kanilang partikular na numero na itinalaga sa serbisyong ito.

Ang 31 karagdagang lalawigan ay: Anderson, Austin, Bosque, Bowie, Burnet, Cherokee, Colorado, Erath, Fannin, Freestone, Gonzalez, Grayson, Gregg, Harrison, Hill, Houston, Hunt, Jackson, Jim Wells, Jones, Limestone, Lubbock, Medina, Milam, Navarro, Rusk, Taylor, Tom Green, Val Verde, Washington, at Wood.

Kung mag-aplay ka para sa tulong, kailangang ihanda mo ang mga sumusunod na impormasyon:

  • Isang kasalukuyang numero ng telepono kung saan ka maaaring maka-ugnayan
  • Ang iyong tirahan sa panahon ng sakuna at ang lugar kung saan ka ngayon tumutuloy
  • Ang iyong numero ng  Social Security, kung nakahanda
  • Ang isang pangkalahatang listahan ng mga pinsala at mga nawala
  • Kung nakaseguro, ang numero ng polisa ng seguro, o ang ahente at ang pangalan ng kumpanya

Kung maaaring ligtas na gawin, mag-umpisa na ngayon ng paglilinis.  Kunan ng mga litrato upang maidokumento ang pinsala at mag-umpisa sa paglilinis at pagsasa-ayos upang maiwasan ang marami pang pinsala.    Tandaan na ipunin ang mga resibo mula sa lahat ng mga binili kaugnay ng paglilinis at pagsasa-ayos.

Ang tulong sa sakuna ay maaaring kasama ang tulong pinansyal para sa pansamantalang tirahan at mga pagsasa-ayos sa bahay, mababang interes na mga pautang upang masakop ang mga nawalang pag-aari na hindi sakop ng seguro, at iba pang mga programa upang tumulong sa mga tao at mga may-ari ng negosyo na makabawi sa mga epekto ng sakuna.

Ang mga karagdaganga lalawigan ay kasama sa 77 lalawigan na naunang inaprubahan para sa tulong sa sakuna.  Ang mga lalawigan ay: Angelina, Aransas, Bastrop, Bee, Bell, Bexar, Blanco, Brazoria, Brazos, Brown, Burleson, Caldwell, Calhoun, Cameron, Chambers, Collin, Comal, Comanche, Cooke, Coryell, Dallas, Denton, DeWitt, Ellis, Falls, Fort Bend, Galveston, Gillespie, Grimes, Guadalupe, Hardin, Harris, Hays, Henderson, Hidalgo, Hood, Jasper, Jefferson, Johnson, Kaufman, Kendall, Lavaca, Liberty, Madison, Matagorda, Maverick, McLennan, Montague, Montgomery, Nacogdoches, Nueces, Orange, Palo Pinto, Panola, Parker, Polk, Rockwall, Sabine, San Jacinto, San Patricio, Scurry, Shelby, Smith, Stephens, Tarrant, Travis, Tyler, Upshur, Van Zandt, Victoria, Walker, Waller, Wharton, Wichita, Williamson, Wilson, at Wise.

Ang mga mababang-interes na mga pautang mula sa Pangasiwaan ng Maliliit na Negosyo ng U.S. (U.S. Small Business Administration) ay magagamit ng mga may negosyo, mga may-ari ng bahay at mga nangungupahan.  Tumawag sa SBA sa 1-800-659-2955 (TTY: 800-877-8339) o bumisita sa www.sba.gov/services/disasterassistance.

Tags:
Huling na-update noong