Magbubukas ang Sentro ng Pag-ahon sa mga Sakuna (Disaster Recovery Center) sa Dixmoor

Release Date Release Number
12
Release Date:
Oktubre 7, 2024

SPRINGFIELD – Isang FEMA/State Disaster Recovery Center ang magbubukas sa Martes, Oktubre 8, 2024, upang matulungan ang mga residenteng makaahon pagkatapos ng mga marahas bagyo, buhawi, mapinsalang hangin, at pagbaha noong Hulyo 13 - 16, 2024. 

Ang mga espesyalista mula sa FEMA, estado ng Illinois at U.S. Small Business Administration ay pupunta sa sentro upang tumulong sa mga nakaligtas na mag-apply para sa pederal na tulong sa sakuna, mag-upload ng mga dokumento, masagot ang kanilang mga tanong nang personal, ma-access ang iba pang mga uri ng tulong na maaaring makuha, at matuto ng mga paraan upang gawing mas matibay ang kanilang ari-arian. 

Ang sentro ay bukas sa mga sumusunod na lokasyon, araw, at oras 
 
Dixmoor Village Community Center 
14336 Paulina St. 
Dixmoor, IL 60426 
Oras: Lunes- Linggo 8 a.m. – 7 p.m. 

Ang mga karagdagang sentro ng pag-ahon ay magbubukas sa ibang mga apektadong county sa lalong madaling panahon. Upang makahanap ng pinakamalapit na sentro mula sa iyo, bisitahin ang FEMA.gov/DRC. Maaaring bumisita ang mga nakaligtas sa anumang sentro para makakuha ng tulong. 

Ang tulong sa mga wika maliban sa Ingles, kabilang ang American sign language, at mga isinaling materyales ay makukuha sa mga sentrong ito. Pinipili ang mga lokasyon ng Disaster Recovery Center base sa kadalian ng access sa layuning maabot ang pinakamaraming tao hangga't maaari. May mga lugar para sa parking sa lahat ng mga sentro. 

Ang mga nakaligtas ay hindi kailangang bumisita sa Disaster Recovery Center upang mag-apply para sa tulong ng FEMA. Upang mag-apply nang hindi bumibisita sa center, mag-online sa DisasterAssistance.gov, i-download ang mobile app ng FEMA o tumawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng video relay, serbisyo ng teleponong may caption o iba pa, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon kapag mag-a-apply ka. 

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbangon mula sa sakuna sa Illinois, bisitahin ang www.fema.gov/disaster/4819.   

Tags:
Huling na-update