Pakikipagtulungan ng mga Pangkat ng HUD sa FEMA upang Suportahan ang mga Nakaligtas sa Bagyo sa Florida

Release Date Release Number
R4-DR-4399-FL NR 063
Release Date:
December 10, 2018

TALLAHASSEE, Fla. – Kung kayo ay tumatanggap ng tulong sa upa mula sa U.S. Department of Housing and Urban Development (Kagawaran sa Pabahay at Kaunlarang Panlungsod ng Estados Unidos) at nawalan ng tirahan dahil sa Bagyong Michael, kayo ay maaaring maging karapat-dapat para sa tulong mula sa FEMA.

 

Iniiwasan ng pederal na batas ang pagdoble ng FEMA ng mga benepisyong ipinagkakaloob ng ibang ahensya. Kapag naging hindi matitirahan ang iyong tahanang suportado ng HUD, ang HUD ay hihinto sa pagbabayad ng tulong sa upa para sa tirahang iyon. Maaari kayong maging karapat-dapat kung gayon para sa ibang mga uri ng disaster assistance (tulong sa panahon ng sakuna).

 

Kung kayo ay naninirahan sa mga county ng Bay, Calhoun, Franklin, Gadsden, Gulf, Holmes, Leon, Jackson, Liberty, Taylor, Wakulla, o Washington, na direktang naapektuhan ng Bagyong Michael, at tumatanggap ng tulong sa upa mula sa HUD bago ang sakuna, kayo ay dapat na mag-apply para sa disaster assistance (tulong sa panahon ng sakuna).

 

Maaari kayong mag-apply para sa tulong sa sakuna kung nasalanta ang inyong tinitirhang suportado ng HUD dahil sa bagyo. Kabilang dito ang mga:

  • Naninirahan sa pampublikong pabahay na suportado ng HUD.
  • Naninirahan sa isang apartment na may pribadong pagmamay-ari na nagbibigay ng tulong sa upa mula sa HUD.
  • Naninirahan sa isang pribadong tirahang gumagamit ng Section 8 Housing Choice Voucher mula sa awtoridad sa pabahay.
     

Ang ilan sa mga tulong na maaari kayong maging karapat-dapat:

  • Pansamantalang tulong upang mabayaran ang isang lugar na titirhan ninyo at ng inyong pamilya.
  • Mga gawad upang mapalitan ang mahahalagang pangangailangan—gaya ng mga damit at iba pang mahahalagang bagay sa tahanan — at mga gastos na pangmedikal, sa ngipin at pagpapalibing.

             

Lahat ng nakatanggap ng tulong sa upa na mula sa HUD ay maaaring makatanggap ng tulong na mula sa FEMA para sa pambayad para sa matitirahan hanggang sa:

  • Kayo ay makabalik sa pampublikong pabahay.
  • Kayo ay makabalik sa inyong dating pribadong pabahay na may subsidized na renta sa ilalim ng 
    Section 8 voucher program.
  • Mapirmahan ninyo ang isang panibagong lease sa pribadong ari-arian gamit ang Section 8 voucher.
     
    Magbabalik ang tulong ng HUD kapag ang nakaligtas sa bagyo ay bumalik sa tirahang suportado ng HUD, o pumirma ng isang panibagong lease para sa uupahang pabahay sa ilalim ng Section 8 program. Pagdating sa puntong ito, ang nakaligtas sa bagyo ay hindi na maaaring makatanggap ng tulong na mula sa FEMA.
     
    Upang magparehistro para sa disaster assistance (tulong sa panahon ng sakuna):
  • Mag-log in sa DisasterAssistance.gov sa anumang computer, smartphone o tablet.
  • Kung hindi ninyo ma-access ang website, tumawag sa 800-621-3362 o (TTY 800-462-7585).

 

Kung hindi ninyo mababayaran ang inyong mortgage dahil sa sakuna at kayo ay nanganganib na mawalan ng inyong tirahan, maaaring ipahinto ng inyong lender o ipaantala ang pagsisimula ng foreclosure ng 90 araw. Maaari ring i-waive ng mga lender ang mga nahuling bayad para sa mga humihirap na maaaring maging delingkwente sa kanilang mga loan bilang resulta ng sakuna.

 

Para sa isang sakunang idineklara ng Pangulo ng Estados Unidos, i-a-activate ng Federal Housing Administration (Pederal na Pangasiwaan sa Pabahay) ng HUD ang isang mortgagee letter kung saan makakapakinabang ang mga biktima ng sakuna sa iba’t ibang programa ng loan sa may seguro at ang paggamit ng espesyal na pagbibigay-serbisyo sa loan at mga iniaatas sa underwriting. Bumisita sa Disaster Relief Options for FHA Homeowners (Mga Pagpipiliang Tulong sa Sakuna para sa mga May-ari ng Tirahan sa ilalim ng FHA).

 

Ang mga tagapayong inaprubahan ng Housing and Urban Development (Pabahay at Kaunlarang Panlungsod) ay makakatulong sa mga nakaligtas sa bagyo na suriin ang kanilang mga suliranin sa paninirahan, pananalapi at iba pang mga suliraning dulot ng sakuna at iugnay ang mga ito sa mga lokal na mapagkukunan ng impormasyon at suporta para sa karagdagang tulong. Para sa tulong, pumunta sa www.hud.gov/findacounselor.  Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga mapagkukunan ng suporta at impormasyon ng HUD na makukuha pagkatapos ng mga sakuna: https://www.hud.gov/info/disasterresources.

 

###

 

Misyon ng FEMA: Tulungan ang mga mamamayan bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna.

 

Para sa listahan ng mga mapagkukunan ng suporta at impormasyon para sa mga indibidwal at negosyong apektado ng Bagyong Michael, bumisita sa www.floridadisaster.org/info

Para sa impormasyon tungkol sa pagbangon mula sa Bagyong Michael, bumisita sa www.fema.gov/tl/disaster/4399.

 

Sundin ang FEMA at ang Dibisyon ng Florida para sa Pamamahala ng Emerhensya sa Twitter sa @FEMARegion4 and @FLSERT. Maaari rin ninyong bisitahin ang FEMA at ang mga Facebook page ng Dibisyon sa Facebook.com/FEMA and Facebook.com/FloridaSERT

Tags:
Huling na-update noong