Kung nakatira ka sa mga county ng Charlotte, Citrus, Columbia, Dixie, Gilchrist, Hamilton, Hernando, Hillsborough, Jefferson, Lafayette, Levy, Madison, Manatee, Pasco, Pinellas, Sarasota, Suwannee o Taylor at naapektuhan ka ng Bagyong Idalia, ang FEMA ay maaaring makatulong sa mga gastos sa pansamantalang pabahay, pangunahing pagpapagawa ng bahay o iba pang mahalgang pangangailangan na may kaugnayan sa sakuna na hindi sakop ng seguro.
Maraming paraan para mag-apply: Tumawag sa 800-621-3362, pumunta sa online sa DisasterAssistance.gov, gamitin ang app ng FEMA para sa mga smartphone o bumisita sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng VRS o serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Para makita ang isang naa-access na bidyo kung paano mag-apply, bisitahin ang Tatlong Paraan para Mag-Apply para sa Tulong sa Sakung ng FEMA - YouTube. Ang huling araw para mag-apply ay Oktubre 30, 2023.
Hihingin ng FEMA ang:
- Isang kasalukuyang numero ng telepono kung saan ka matatawagan.
- Iyong address sa panahon ng sakuna ang address kung saan ka kasalukuyang tumutuloy.
- Iyong Numero ng Seguridad Panlipunan.
- Isang Pangkalahatang listahan ng pagkasira at pagkawala.
- Impormasyon sa Bangko kung piliin ninyo ang direktang deposito.
- Kung may seguro, ang numero ng patakaran at/o pangalan ng kumpanya.
Kung mayroon kang seguro para sa may-ari ng bahay, umuupa, o pagbaha, dapat kang maghain ng claim sa lalong madaling panahon. Hindi kayang gayahin ng FEMA ang mga benepisyo para sa pagkawala na sakop ng seguro. Kung ang iyong patakaran ay hindi sumasaklaw sa lahat ng gastos sa pagkasira, maaari kang maging karapat-dapat para sa tulong pederal.
Mga inspeksyon sa bahay
Kung ibalita mo na hindi mo kaya, o hindi ka maaaring tumira nang ligtas sa iyong bahay, ang FEMA ay maaaring kailanganing magsagawa ng inspeksyon sa nasirang tirahan. Ang inspeksyon ay maaaring maisagawa sa lugar ng nasirang tirahan o nang malayuan. Makikipag-ugnayan ang FEMA sa iyo upang ipaalam sa iyo kung paano maisasagawa ang inspeksyon.
Para sa mga malayuang inspeksyon, ang mga inspektor ng FEMA ay makikipag-ugnayan sa mga aplikante upang sagutin ang mga tanong tungkol sa uri at pagpapalawig ng pagkasirang natamo. Ang mga nakaligtas na may kaunting pinsala na kayag tumira sa kanilang mga bahay ay hindi awtomatikong magbibigyan ng iskedyul para sa inspeksyon sa bahay. Subalit, maaari silang humiling ng inspeksyon kung matuklasan nila mamaya ang malalang pagkasira na idinulot ng sakuna.
Ang mga malayuang inspeksyon ay walang epekto sa uri ng Tulong sa Iba Pang Pangangailagan na makukuha na hindi nangangailangan ng inspeksyon. Ito ay nilalaman ng pangangalaga ng bata, transportasyon, medikal at dental, gastos sa libing, paglipat at pag-imbak, at Panggrupong Tulong sa Patakaran ng Seguro sa Pagbaha.
Para sa naa-access na bidyo sa inspeksyon sa bahay ng FEMA, pumunta sa FEMA Naa-Access: Inspeksyon ng Bahay.