Kung ikaw ay nakatira sa county ng Citrus, Columbia, Dixie, Gilchrist, Hamilton, Hernando, Jefferson, Lafayette, Levy, Madison, Pasco, Pinellas, Suwannee at Taylor at naapektuhan ka ng Bagyong Idalia, maaaring makatulong ang FEMA sa gastos sa pansamantalang tirahan, basic na pagkukumpuni sa bahay o iba pang mahalagang pangangailangan na naidulot ng sauna ngunit hindi sakop ng seguro.
Marami ang paraan para mag-apply: Mag-online sa DisasterAssistance.gov, tumawag sa 800-621-3362, o gamitin ang FEMA app para sa mga smartphone. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, tulad ng serbisyo ng relay sa bidyo (VRS), serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pang serbisyo, ibigay mo sa FEMA numero mo para sa serbisyong iyon.
Hinihingi ng FEMA ang:
- Kasalukuyang numero ng telepono kung saan ka matatawagan.
- Ang iyong address sa panahon ng sakuna at ang address mo kung saan ka kasalukuyang tumutuloy.
- Ang iyong Numero ng Seguridad Panlipunan.
- Ang pangkalahatang listahan ng pagkasira at pagkawala.
- Impormasyon sa bangko sakaling pilian mong tumanggap ng direktang deposito.
- Kung nakaseguro, ang numero ng patakaran o ang pangalan ng ahente at/o kumpanya.
Kung ikaw ay may seguro para sa may-ari ng bahay, umuupa, o pagbaha, kailangan mong maghain ng claim (kahilingan) sa lalong madaling panahon. Hindi kaya ng FEMA na kumopya ng benepisyo para sa pagkawala na sakop ng seguro. Kung hindi sakop ng iyong patakaran ang lahat ng iyong gastos dahil sa pagkasira, maaari kang maging kwalipikado para sa pederal na tulong.
Inspeksyon sa Bahay
Kung ibalita mo na hindi mo kaya, o hindi ka maaari na, tumira nang ligtas sa iyong bahay, maaaring kailanganin ng FEMA na gumanap ng inspeksyon sa nasirang tirahan. Maaaring gawin sa personal o nang remote (mula sa malayo) ang inspeksyon sa lugar ng nasirang tirahan. Makikipag-ugnayan ang FEMA sa iyo para malaman mo kung paano gaganapin ang inspeksyon.
Para sa mga inspeksyon na remote, makikipag-ugnayan ang mga tagasiyasat ng FEMA sa mga aplikante upang masagot ang mga tanong tungkol sa uri at lawak ng natamong sira. Ang mga nakaligtas na may maliit na siraat kaya nilang tumira sa kanilang bahay ay hindi awtomatikong mabibigyan ng iskedyul para sa inspeksyon sa bahay. Subalit, maaari silang humiling ng inspeksyon kung matuklasan nila sa ibang pagkakataon ang isang malaking pagkasira na naidulot ng sakuna.
Ang mga inspeksyon na remote ay walang epekto sa mga uri ng makukuhang Other Needs Assistance (Tulong sa Ibang Pangangailangan) na hindi kinakailangan ang inspeksyon. Kabilang dito ang pangangalaga sa bata, transportasyon, medikal at dental, gastos sa libing, paglipat at pag-iimbak, at Group Flood Insurance Policy Assistance (Tulong sa Patakaran ng Seguro ng Pangkat ng Baha).
Para sa magagamit na bidyo sa mga inspeksyon sa bahay ng FEMA, pumunta sa youtube.com/watch?v=kXMaDkY3Q2o.