Hindi Kailangang Maghintay sa FEMA Para Masimulan ang Paglilinis mula sa Bagyong Ida

Release Date:
October 15, 2021

Ang mga residente ng New Jersey na naapektuhan ng hagupit ng unos at pag-ulan ng Bagyong Ida ay hindi kailangang maghintay ng pagbisita mula sa isang inspektor ng tahanan ng FEMA o ng kumpanya ng kanilang seguro upang simulan ang paglilinis at gumawa ng pagpapaayos. Ang mga inspektor ng FEMA at mga tagasuri ng hiling sa seguro ay pwedeng patunayan ang pagkasira kahit nagsimula na ang paglilinis.

Subalit, dapat mong kuhanan ng litrato ang pagkasira at itago ang mga resibo na may kaugnayan sa pagbawi. Kailangan ng mga kumpanya ng seguro ang parehong mga litrato at mga resibo, samantalang ang FEMA ay maaaring mangailangan ng mga resibo.

Bago simulan ang mga paglilinis, mahalagang suriin mo muna ang pagkasira ng istruktura sa iyong nasirang tahanan bago pumasok dito at iulat ito sa mga lokal na opisyal.

Kailangan sa paglilinis na gawin ang pagtatapon ng mga basang kagamitan tulad ng mga higaan, karpet at mga kasangkapan dahil sa panganib nito sa kalusugan na maaaring idulot ng amag. Sundin ang mga panuntunan ng lokal na gobyerno para sa pagtapos ng mga nasirang kasangkapan at iba pang mga kagamitan.

Tandaan na Mag-apply para sa Tulong ng FEMA

Kung hindi mo pa ito nagagawa, mahalagang magrehistro para sa tulong ng FEMA sa lalong madaling panahon. Kailangan mo lamang magrehistro ng isang beses sa bawat tahanan. Oras na nakagparehistro na, ang mga nakaligtas ay dapat makipag-ugnayan sa FEMA at kung magbago ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnay, siguraduhing ipagbigay-alam ito sa FEMA.

Ang bawat aplikante ay binibigyan ng isang numero sa pagrerehistro. Mahalagang isulat itong numero at palaging nakahanda. Ito ang paraan ng FEMA ng pagtukoy sa iyo at ito ay gagamitin sa lahat ng mga pagsusulatan at iba pang mga komunikasyon sa FEMA.

Dapat mong malaman na ang tulong ng FEMA ay walang buwis, hindi kailangang bayaran at hindi nakakaapekto sa iba pang mga benepisyo ng gobyerno.

May tatlong paraan para ang mga nakaligtas ay maka-apply ng tulong sa sakuna. Ang pinakamadali ay ang pagpunta online sa DisasterAssistance.gov. Kung hindi posible na mag-apply online, tumawag sa 800-621-3362 (TTY: 800-462-7585) o mag-apply gamit ang FEMA app. Ang mga toll-free na linya ng telepono ay tumatakbo mula 7 ng umaga hanggang 1 ng madaling araw E.T., araw-araw. Kung gumagamit ka ng 711 o serbisyong Video Relay, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon.

Kapag nag-apply ka para sa tulong, ihanda ang mga sumusunod na impormasyon:

  • Ang iyong address na may zip code.
  • Ang iyong numero ng Social Security, kung mayroon.
  • Kundisyon ng iyong nasirang bahay.
  • Kung may seguro, ang numero ng polisa o ang ahente at/o pangalan ng kumpanya kung mayroon nito.
  • Numero ng telepono kung saan ka pwede tawagan.
  • Address kung saan ka pwedeng makakuha ng padala ng koreo o email address para makatanggap ng mga electronic na abiso.

Para sa pinakabagong impormasyon bumisita sa fema.gov/disaster/4614. Sundan ang  FEMA Region 2 Twitter account sa twitter.com/FEMAregion2.

Tags:
Huling na-update noong October 18, 2021