Pagiging Mamamayan at Karapat-dapat para sa Tulong ng FEMA

Release Date:
Enero 18, 2024

Nakatuon ang FEMA na tulungan ang mga may-ari ng bahay at umuupa sa Cook County na makabawi mula sa matinding bagyo at pagbaha noong Setyembre 17-18, 2023, kabilang ang mga mamamayan ng Estados Unidos, mga hindi-mamamayan na nasyonal at mga kwalipikadong dayuhan.

Sino ang karapat-dapat para sa tulong?

Kadalasan, ikaw o ang isang miyembro ng iyong sambahayan ay dapat isang mamamayan ng US, hindi-mamamayan na nasyonal o kwalipikadong dayuhan upang makapag-apply para sa tulong.

Gayunpaman, kung hindi mo matugunan ang katayuan ng pagiging mamamayan ng Estados Unidos, hindi-mamamayan na nasyonal o kwalipikadong dayuhan, maaari pa ring mag-apply at isaalang-alang ang iyong sambahayan para sa tulong kung: 

  • Natutugunan ng isa pang may sapat na gulang na miyembro ng iyong sambahayan ang pamantayan sa pagiging karapat-dapat at nagpapatunay ng kanilang katayuan sa pagiging mamamayan sa panahon ng proseso ng aplikasyon o pumirma ng Declaration and Release form (papel ng iyong Deklarasyon at Pahintulot na ipamahagi itong impormasyon), o
  • Ang magulang o tagapag-alaga ng isang menor de edad na bata na isang mamamayan ng Estados Unidos, hindi- mamamayan na nasyonal o isang kwalipikadong dayuhan ay ang mag-aapply para sa tulong sa ngalan ng bata, kung nakatira sila sa parehong sambahayan. Ang magulang o legal na tagapag-alaga ay dapat magparehistro bilang kasamang aplikante, at ang menor de edad na bata ay dapat na wala pang 18 taong gulang sa panahon na naganap ang sakuna. 

Sino ang nabibilang sa katayuan ng kwalipikadong dayuhan?

Kabilang sa “kwalipikadong dayuhan” ang:

  • Isang legal na permanenteng residente (may hawak ng “green card”)
  • Isang asylee, refugee, o isang dayuhan na pinipigilan ang deportasyon
  • Isang dayuhan na pinahintulutan ng paglayang may kondisyon sa Estados Unidos nang hindi bababa sa isang taon
  • Isang dayuhan na ipinagkaloob ng kondisyonal na pagpasok (alinsunod sa batas na nagkaroon ng bisa bago ng Abril 1, 1980)
  • Isang bagong dating mula sa Cuba o Haiti
  • Mga dayuhan sa Estados Unidos na naabuso, napapailalim sa battery o matinding kalupitan ng isang asawa o iba pang miyembro ng pamilya/ sambahayan o naging biktima ng isang matinding anyo ng human trafficking (pangangalakal ng tao).

Mga hindi-mamamayan na nasyonal
Ang isang hindi mamamayan na nasyonal ay isang taong ipinanganak sa isang malayong pag-aari ng US (hal., American Samoa) sa o pagkatapos ng petsa na naging pag-aari ito ng Estados Unidos, o isang tao na ang mga magulang ay mga hindi-mamamayan na nasyonal ng Estados Unidos. Ang lahat ng mamamayan ng Estados Unidos ay mga nasyonal ng Estados Unidos; gayunpaman, hindi lahat na nasyonal ng Estados Unidos ay isang mamamayan ng Estados Unidos.

Kwalipikadong mga menor de edad
Ang magulang o tagapag-alaga ng isang menor de edad na bata na naninirahan sa parehong sambahayan ay maaaring mag-apply para sa tulong sa ngalan ng menor de edad na bata na isang mamamayan ng Estados Unidos, hindi-mamamayan na nasyonal, o kwalipikadong dayuhan. Ang menor de edad na bata ay dapat na wala pang 18 taong gulang mula sa unang araw ng panahon ng insidente noong Setyembre 17, 2023.

Mapagkukunan
Tingnan ang Mga Kinakailangan sa Katayuan ng Pagiging Mamamayan at Imigrante para sa Pederal na Pampublikong Benepisyo para sa karagdagang impormasyon sa https://www.fema.gov/assistance/individual/program/citizenship-immigration-status.

Kung hindi ka sigurado sa iyong katayuan sa imigrasyon, makipag-usap sa isang eksperto sa imigrasyon upang malaman kung ang iyong katayuan ay nabibilang sa mga kinakailangan para sa katayuan ng imigrasyon para sa tulong sa sakuna ng FEMA. Bisitahin ang nvoad.org/ upang malaman ang tungkol sa iba pang mga boluntaryong organisasyon.

###

Ang tulong sa pagbawi mula sa sakuna ay makukuha nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan. Ang makatwirang accommodation, kabilang ang pagsasalin ng wika at mga tagapagsalin ng American Sign Language (Wikang Pasenyas ng Amerika) ay magagamit upang matiyak ang epektibong komunikasyon sa mga aplikante na may limitadong kasanayan sa Ingles, kapansanan, at mga pangangailangan sa pag-access at pagpapaandar. Kung ikaw o isang taong kilala mo ay nakaranas ng diskriminasyon, tumawag sa FEMA nang libreng-toll sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.

Tags:
Huling na-update