Aktibong naghahanap ang FEMA ng mga vendor para sa Pagpapanatili ng Group Site at Pagpapanatili/Pag-aayos sa mga FEMA-owned modular housing unit na ginagamit bilang pansamantalang pabahay para sa mga indibidwal at pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa Maui wildfires.
Magho-host ang FEMA ng isang informational session mula 11 a.m. hanggang 3 p.m. Martes, Hulyo 23, sa The Westin Maui Resort and Spa, Haleakala Ballroom, 2365 Kāʻanapali Parkway sa Lahaina. Matututuhan ng mga vendor na dadalo sa Industry Day ang mga kinakailangan para sa pagpapanatili sa group site at mga modular home, na tinatawag ng FEMA bilang Alternative Transportable Temporary Housing Units. Ii-install ang mga ito sa mga nakatalagang lugar sa Maui para sa FEMA group housing.
Kailangan ang pre-registration para sa Industry Day event. Dapat makompleto ang lahat ng mga registration request pagsapit ng tanghali Lunes, Hulyo 22. Para mag-register, pumunta sa: https://fema.zoomgov.com/meeting/register/vJItcOGvrTIpHKARTDvxui7JiwoZn_THNC4
Para sa pinakabagong impormasyon sa mga Maui wildfire recovery effort, bisitahin ang mauicounty.gov, mauirecovers.org, fema.gov/disaster/4724 at Hawaii Wildfires - YouTube. Sundan ang FEMA sa social media: @FEMARegion9 at facebook.com/fema. Maaari ka ring makakuha ng impormasyon sa tulong sa sakuna at mag-download ng mga aplikasyon sa sba.gov/hawaii-wildfires.